Portland nakaligtas sa 4 ot game
(Pang-masa) - May 5, 2019 - 12:00am

PORTLAND, Ore. – Pinantayan ni CJ McCollum ang kanyang career playoff high na 41 points, pumukol si Rodney Hood ng go-ahead 3-pointer sa huling 18.6 seconds ng laro sa NBA postseason record-tying fourth overtime para talunin ng Portland Trail Blazers ang Denver Nuggets, 140-137 noong Biyernes ng gabi para kunin ang 2-1 sa Western Conference semifinals.

Ito ang  ikalawang quadruple-overtime playoff game sa NBA history, ang una ay noong 1953 game sa pagitan ng Boston Celtics at Syracuse Nationals.

Umiskor si McCollum ng 28 points pagkatapos ng third quarter at nagdag-dag si  Damian Lillard ng 28 para sa Portland na hinatak ang kanilang winning streak sa sariling balwarte sa 12 games mula pa noong regular season.

Umiskor si Hood mula sa bench ng seven points sa final OT para tulungan ang Blazers na manatiling walang talo ngayong postseason.

Naitala ni Nikola Jokic ang kanyang third triple-double sa playoffs sa kanyang 33 points, 18 rebounds at 14 assists ngunit nagmintis ng crucial free throw sa huling 5.6 secondo ng laro.

Sa Boston, ‘di tumigil sa pag-atake si Giannis Antetokounmpo at panay naman ang foul ng Boston Celtics.

Nagpatagal ang mga fouls sa second half ng Game 3 pero walang makapigil kay Antetokounmpo sa kanyang mainit na performance sa TD Garden kung saan humakot ito ng 32 points at 13 rebounds.

Tumapos si George Hill ng 21 points nang talunin ng Milwaukee Bucks ang Boston 123-116 para kunin ang 2-1 lead sa Eastern Conference semifinal series.

Nagdagdag si Khris Middleton ng 20 points.

PORTLAND
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with