Aarangkada na ba ang Magnolia?
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - May 3, 2019 - 12:00am

Pagkatapos maghabol nang maghabol sa halos kabuuan ng conference, sa wakas ay nasa lamang na posis-yon ang Magnolia at may pag-asang lalong umalagwa sa Game Two ng kanilang PBA Philippine Cup best-of-seven title showdown kontra sa San Miguel Beer.

Finally, nakakaungos ang Hotshots matapos makaahon sa 0-3 start sa conference, 0-1 deficit kontra sa Barangay Ginebra sa best-of-three quarters and 0-2 laban sa Rain or Shine sa best-of-seven semifinals.

Makaarangkada kaya ang mga Comeback Kids nang tuluyan upang masungkit ang unang Philippine Cup title sa loob ng limang taon?

Pero sa nakararami, ang tingin nila ay liyamado pa rin ang San Miguel dahil mahaba pa ang serye at makailang beses na ring nagpakita ang mga Beermen ng kakayahang bumangon sa pagkakalubog.

Pangako naman ng mga Hotshots na patuloy na kakayod upang makadalawa sa Game Two na nakatakda ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.

“Kapag nakadalawa kami, mag-iiba na ang kuwento niyan at mag-iisip na ang San Miguel na kaya namin silang talunin,” ani Ian Sangalang, ang nanguna sa 99-94 panalo ng Magnolia sa Game One.

Noong naraang Philippine Cup finals, sinungkit din ng Magnolia sa dikit na laban ang Game One pero sumagot ang San Miguel ng apat na sunod na panalo upang idepensa ang Phl Cup crown sa ikatlong sunod na taon.

Kaya’t ang katanu-ngan ngayon ay kung mauulit ba o mababago ang istorya ng Phl Cup finals?

Kung pagbabasehan ang kanilang head-to-head record sa all-Filipino tourney, talagang mabigat ang tatahakin ng Hotshots dahil nakakadalawang panalo pa lamang ang Magnolia sa SMB sa kanilang huling labing-dalawang laban sa Phl Cup. Siyempre, alam ng lahat na ang dominasyon ni June Mar Fajardo sa shaded lane ang malaking problema ng Magnolia.

Medyo dumali ang problema ng Hotshots noong Miyerkules ng gabi dahil paltos ang outside shooting ng SMB-- patunay ang 0-of-8 three-point shooting ni Marcio Lassiter.

PBA PHILIPPINE CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with