SMB huhugot na ng 5-peat?
POINT GUARD - Nelson Beltran (Philstar.com) - May 1, 2019 - 12:00am

Nagbabadya na ang San Miguel Beer sa pagtala ng bagong record dahil outstanding favorite sila kontra sa Magnolia sa kanilang PBA Philippine Cup title rematch na magsisimula ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Kung hindi masisilat, ang Beermen ang kauna-unahang koponan sa kasaysayan ng liga na makaka-iskor ng all-Filipino five-peat.

Malaki ang nakikitang bentahe ng SMB dahil nga sa kanilang champion roster na lalo pang pinalakas ng karagdagang dalawang pambato sa katauhan ni Christian Standhardinger at Terrence Romeo. At naririyan din ang mga role players na sina Kelly Nabong at Paul Zamar.

Maaalalang noong nakaraang finals, nakaisa lamang na panalo ang Magnolia sa best-of-seven series samantalang nakasandal lamang ang SMB sa kanilang super five noon na sina June Mar Fajardo, Arwind Santos, Marcio Lassiter, Chris Ross at Alex Cabagnot.

Tangan ang kaparehong nucleus, kaparehong 4-1 series win ang binunot ni coach Leo Austria at ng kanyang koponan kontra sa Barangay Ginebra noong 2017 all-Pinoy finals.

Kaya malaki ang odds na pabor sa mga Beermen na nag-aasam na umarangkada mula sa four-peat- achievement na nagawa rin ng pamosong Crispa Redmanizers team noong kanilang kapanahunan.

Man-for-man, walang kuwestiyon na malaki ang lamang ng San Miguel.

Pero umaasa si Magnolia coach Chito Victolero at ang kanyang koponan na may tsansa sila dahil sa kanilang will power.

Dahil nga naman sa determinasyon at tibay ng dibdib, makailang beses na nilang ginapi ang odds sa conference na ito. Binanggit ni Victolero ang kanilang 0-3 conference start at ang pagbura ng series deficits kontra sa Ginebra (0-1 sa best-of-three quarters) at Rain or Shine (0-2 sa best-of-seven semis).

Kaya nga lamang, ibang kalibre na ang kanilang haharapin sa finale.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with