^

PM Sports

Cignal Ateneo pasok sa playoffs

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinambakan ng 44-puntos ng Cignal-Ateneo ang Batangas-EAC, 90-46 upang makasiguro ng slot ng playoffs ng 2019 PBA D-League na nagpatuloy sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nagpakawala si Matt Nieto ng 10 sa kanyang 16-puntos sa first half bukod pa sa kanyang dalawang rebounds at dalawang assists para sa Blue Eagles na sumulong sa ikapitong panalo sa 8 laro para manati-ling maningning sa Aspirant’s Group.

Nagtala si William Navarro ng double-double na 13 points, 11 rebounds bukod pa sa two blocks para sa Ateneo na lumamang ng hanggang 48-puntos, 88-40, sa huling 2:12 minuto ng laro.

Samantala, lumapit sa playoff berth ang Valencia City- Bukidnon matapos ang madaling 106-75 panalo kontra sa University of Perpetual Help kahapon sa umiinit na 2019 PBA Developmental League sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Abante lang ng 48-40 sa halftime, nagpakawala ng 33 puntos sa third quarter ang Golden Harvest upang tuluyang ilayo ang Altas sa 81-56 papasok sa huling kanto. Hindi na bumitiw pa mula sa manibela ang Valencia buhat noon tu-ngo sa madaling 21 puntos na tagumpay.

Bunsod nito, uma-ngat na sa 5-1 baraha ang Golden Harvest upang sosyohan sa ikalawang puwesto ng Foundation Group ang Metropac -- San Beda.

Nakalapit din sa playoff berth ang Valencia sa D-League kung saan tig-apat na koponan lamang kada grupo ang aabante sa quarterfinals.

Sa huling laro naman ay binigyan ng SMDC-NU ng unang kabiguan ang CEU, 74-67 sa likod ng 21 at 14 puntos ng magkapatid na sina Dave at Shaun Ildefonso.

Ito na ang ikalawang sunod na panalo ng NU para umangat sa 2-6 kartada sa Foundation Group habang sumayad naman sa 6-1 ang Scorpions ngunit nasa tuktok pa rin ng natu-rang grupo.

vuukle comment

PBA D-LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with