San Juan o Davao?
MANILA, Philippines — Pag-aagawan ng Davao Occidental Tigers at San Juan Knights ang kauna-unahang national finals title sa kanilang paghaharap sa do-or-die battle ngayon sa 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup sa Rizal Memorial College Gym sa Davao City.
Tangan ng Southern Division champion na Tigers at Northern Division third seed Knights ang parehong 2-2 record sa best-of-five championship series ng home-and-away league kaya inaasahan ang dikit na laban sa kanilang pagtatagpo sa deciding Game 5 ngayong alas-7 ng gabi.
“Kalimutan na lahat ng statistics. Kung sino ang gustong manalo siya ang magwawagi, laban na ito ‘puso sa puso,” sabi ni Dulay na kandidato rin sa “Coach of the Year” honor.
Ayon kay coach Dulay, malaki ring kalamangan para sa kanyang tropa ang inaasahang dagsa ng mga taga-suporta sa kanila mismong teritoryo.
“Yes, playing in front of our home crowd would be nice, it’s really an added boast. But the outcome still would largely depend on us, we just have to do our part,” dagdag ni Dulay tukoy ang kanilang talo sa mga kamay ng Knights sa Game 1 sa kanilang homecourt mismo.
Bukod sa multi-million golden championship trophy, igagawad din ni MPBL founder at chief executive officer Sen. Manny Pacquiao ang ball rings sa lahat ng mga miyembro ng champion team.
- Latest