Petron-Letran nakaligtas
(Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagsayang muna ng malaking bentahe ang Petron-Letran bago umeskapo sa dulo, 91-90 kontra sa palabang St. Clare College-Virtual Reality sa umaatikabong 2019 PBA Developmental League kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Matapos kasing lumamang ng hanggang 31-11 sa unang kanto, muntikan pang masilat ang Knights sa end game nang maagaw ng St. Clare ang manibela, 89-90.

Sa kabutihang palad, sumaklolo si Christian Balagasay na kumonekta ng pampanalong lay-up mula sa assist ni Jerrick Balanza sa huling 13 segundo upang mabawi ang kalamangan.

Sumandal na lang sa depensa ang Petron buhat noon nang tawagan ng offensive foul si  Junjie Hallare sa huling 1.7 segundo tungo sa malaking panalo.

Bunsod nito, nasolo ng Knights ang tersera puwesto sa Aspirants’ Group hawak ang 5-2 kartada.

Namuno sa atake ng Intramuros-based squad si Alvin Pasaol na umiskor ng 28 puntos, pitong rebounds at tatlong assists habang may 22 puntos  limang rebounds din si Balanza.

Solido rin ang ambag ng Gilas Pilipinas cadet na si Jeo Ambohot na may double double na 11 puntos at 10 rebounds habang may 11 puntos din si Jeremiah Taladua.

Nasayang naman ang 22 puntos at pitong rebounds ni Hallare para sa Saints na sumadsad sa 4-2 marka.

Sa isa pang laro, binitbit ni Ljay Gonzales sa 71-63 tagumpay ang Chadao-FEU kontra sa Wangs Basketball.

Kumana ng 20 puntos, walong boards at apat na assists si Gonzales para sa Tamaraws na umangat sa ikaapat na puwesto ng Foundation Group hawak ang 4-3 baraha.

Nauwi naman sa wala ang 17 puntos, 13 rebounds at apat na assists ni Arvin Tolentino para sa Couriers na nalaglag sa 3-3 rekord.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with