Bucks vs Celtics
(Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

DETROIT — Tuluyan nang naitakda ang second round playoff series ng Milwaukee Bucks at Boston Celtics.

Humataw si Giannis Antetokounmpo ng 41 points para pamunuan ang Bucks sa 127-104 pagpapatalsik sa Pistons sa Game Four at kumpletuhin ang four-game sweep patungo sa second round ng playoffs.

Ito ang unang pagmartsa ng Bucks sa se-cond round matapos noong 2001.

Tinapos ng Milwaukee ang third quarter sa kanilang 17-3 atake matapos bumandera ang Detroit.

Nagtala ang Pistons ng NBA record na ika-14 sunod na playoff loss na nagsimula noong 2008.

Lalabanan ng Bucks ang Celtics, winalis din ang Indiana Pacers, 4-0 sa second round.

Tumipa si Reggie Jackson ng 26 points sa panig ng Detroit, nakahugot ng 22 markers kay Blake Griffin na na-foul out sa 7:06 minuto ng laro.

Sa Salt Lake City, inis-kor ni Donovan Mitchell ang 19 sa kanyang 31 points sa fourth period para tulungan ang Utah Jazz sa 107-91 pagdaig sa Houston Rockets sa Game Four ng kanilang Western Conference first-round series.

Nagdagdag si Jae Crowder ng 23 points at naglista si Ricky Rubio ng 18 points at 11 assists para ilapit ang Jazz sa Rockets sa 1-3 sa kanilang serye.

Kumolekta naman si Derrick Favors ng 12 points at 11 rebounds para sa Utah.

Humataw si James Harden ng 30 points para sa Rockets, nakakuha kay Chris Paul ng 23 points, 8 rebounds at 7 assists habang may 16 markers si Eric Gordon.

Napuwersa ang Houston sa 16 turnovers na ginawang 21 points ng Utah.

Samantala, isang babaeng sports reporter ang nag-akusa kay bagong Sacramento Kings coach Luke Walton ng sexual assault.

Sa report ng TMZ, inakusahan ni Kelli Tennant si Walton na sipilitan siyang inihiga sa kama at pilit na hinalikan.

Ayon kay Tennant, nagpunta siya sa hotel room ni Walton para tanungin kaugnay sa librong kanyang isinusulat nang mangyari ang natu-rang sexual assault.

GIANNIS ANTETOKOUNMPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with