Parks nag-ensayo na sa Elite
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Adjustment ng schedule sa PBA para madagdagan ang araw ng practice ng Gilas Pilipinas ang hiling ni head coach Yeng Guiao para may sapat na panahong makapagprepara para sa FIBA World Cup na gagawin sa China.

“I think we need more than the 10 or 12 days of break (in the PBA schedule) for the World Cup so we can extend our practices,” sabi ni Guiao na panauhin sa PSA Forum sa Amelie Hotel-Manila kahapon.“We’re hoping we can start earlier.”

Bilang tugon, sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na dumalo rin sa Forum na suportado ng San Miguel Corp., Tapa King, Amelie Hotel at PAGCOR na tatalakayin niya ang kahilingan ni Guiao sa PBA board sa kanilang meeting bukas.

 “I’ve had initial talks with coach Yeng on this. We fully support him. It can be done,” ani Marcial.

Ang World Cup ay gaganapin sa Aug. 30-Sept. 15 at haharapin ng Gilas sa opening round ang Italy, Serbia at Angola  kung saan kailangan nila ang dalawang panalo para makapasok sa susunod na round.

Ang PBA Philippine Cup ay nasa semifinal round na at ang finals ay aabot ng hanggang May 15. Para mabigyan ng panahon ang Gilas kailangang simulan ang Commissioner’s Cup sa May 19.

Samantala, nag-ensayo na sa wakas ang inaabangang rookie na si Bobby Ray Parks Jr. kamakalawa kasama ang kanyang koponan na Blackwater para sa nalalapit na 2019 PBA Commissioner’s Cup sa susunod na buwan.

Ito ang unang pagsasanay ni Parks Jr. sa koponan simula nang mapili ito bilang second overall pick ng Elite sa ginanap na 2018 PBA Rookie Draft noong nakaraang Disyembre.

Hindi agad nakalaro si Parks Jr para sa koponan bunsod ng kanyang commitment sa San Miguel Alab Pilipinas sa ASEAN Basketball League.

FIBA GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with