Si Lindsay Stalzer ng F2 Logistics laban kay Kendra Dahlke ng PLDT Home Fibr.
Joey Mendoza
F2 Logistics nakauna
Chris Co (Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napigilan ng F2 Logistics ang matikas na hamon ng PLDT Home Fibr, 25-14, 18-25, 25-16, 25-2 upang makuha ang 1-0 bentahe sa 2019 Philippine Superliga Grand Prix best-of-three semifinals kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nasandalan ng Cargo Movers si American import Lindsay Stalzer na siyang gumawa ng mala-laking puntos sa krusyal na sandali ng laro para makalapit ang kanilang tropa sa inaasam na pagbabalik sa finals.

Nagpakawala ang reigning MVP ng 23 attacks kabilang ang tatlong huling puntos ng Cargo Movers, kasama pa ang tatlong aces at dalawang blocks para pamunuan ang Cargo Movers sa panalo.

“We knew PLDT was gonna be a strong team, they beat us once before in regular season so we started them hard we knew we need to serve tough to keep them out of the system. That’s what we did, we practice of serves this week and I think it showed tonight,” wika ni Stalzer.

Nagbigay din ng solidong laro si Venezuelan MJ Perez na kumana ng kaliwa’t kanang atake para suportahan si Stalzer sa opensa gayundin sina middle hitter Aby Maraño at opposite spiker Ara Galang.

Makailang ulit tinutukan ni Cargo Movers mentor Ramil coach si playmaker Alex Cabanos na tila nangangapa pa rin sa kaniyang role bilang starting setter.

Subalit nagawa pa rin nitong mabigyan ng magagandang sets ang Cargo Movers dahilan upang makalikom ito ng 59 attacks kumpara sa 53 ng Power Hitters.

Matibay din ang depensa ng F2 Logistics sa net para makakuha ng 8-3 edge sa blocking habang matatalim ang serves ng tropa upang makapagre-histro ng pitong aces.

Gayunpaman, nais ni Stalzer ng mas solidong laro partikular na sa blockings.

Inaasahang tututukan din ng F2 Logistics ang 20 errors na nagawa nito.

“We need a few more blocks in the middle. Grace had an awesome job. She’s such a powerful hitter. Blocking all around, I think (that’s what we need),” dagdag ni Stalzer.

PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX VOLLEYBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with