Na-sweep ng Boston
(Pang-masa) - April 23, 2019 - 12:00am

INDIANAPOLIS — Ipinagpag nina Gordon Hayward at Marcus Morris ang kalawang sa kanilang three-point shooting para tulungan ang Boston Celtics na makumpleto ang sweep.

Umiskor si Hayward ng 20 points habang may 18 markers si Morris at nagsalpak ang dalawa ng pinagsamang limang triples sa huling limang minuto ng laro para akayin ang Celtics sa 110-106 pagsibak sa Indiana Pacers sa Game Four ng kanilang first-round series.

Ito ang unang 4-0 series sweep ng Boston sa huling walong taon.

“I knew there was going to be a spark off the bench. (On Sunday) and that person was Gordon Hayward,” sabi ni All-Star guard Kyrie Irving, nagdagdag ng 14 points at 7 assists. “This is his city. I’m glad he had a chance to put on a performance like that in a closeout game.”

Bihirang makagawa ng sweep ang prangkisa na may league-record na 17 titles.

Sapul noong 1986-87 ay isang beses lamang itong nailista ng Celtics na nangyari sa first round series nila ng New York Knicks.

Matapos ang Indiana ay posibleng makaharap ng Boston sa second round ang Milwaukee Bucks.

“It’s going to take everything we have,” wika ni Hayward. “That’s why it’s good we finished this series. We can rest up, prepare, and have some extra time.”

Sa Los Angeles, kumamada si Kevin Durant ng 33 points kasunod ang 32 markers ni Klay Thompson para sa 113-105 panalo ng Golden State Warriors kontra sa Clippers sa Game Four para ilista ang 3-1 abante sa kanilang first-round playoff series.

Tumapos naman si Stephen Curry na may 12 points para sa Warriors.

Pinamunuan ni rookie Shai Gilgeous-Alexander ang Clippers mula sa kanyang career-high na 25 points, habang may 16 at 12 markers sina Danilo Gallinari at Patrick Beverley, ayon sa pagkakasunod.

Sa Orlando, tumipa si Kawhi Leonard ng 34 points para akayin ang Toronto Raptors sa 107-85 paggupo sa Magic sa Game Four at kunin ang 3-1 bentahe sa kanilang serye.

Umiskor sina Pascal Siakam at Norman Powell ng tig-16 markers para sa Raptors.

Sa Oklahoma City, humugot si Damian Lillard ng 15 sa kanyang 24 points sa third quarter at pinatahamik ng Portland Trail Blazers si Russell Westbrook sa second half para talunin ang Thunder, 111-98 at sikwatin ang 3-1 kalamangan sa kanilang serye.

Nagsalansan si C.J. McCollum ng 27 points, samantalang nagposte si Al-Farouq Aminu ng 19 points at 9 rebounds at humakot si Maurice Harkless ng 15 points at 10 rebounds para sa Trail Blazers.

Pinangunahan naman ni Paul George ang Thunder mula sa kanyang 32 points at 10 rebounds at nadagdag si Dennis Schroder ng 17 points.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with