Exciting na labanan sa PBA Best Player of the Conf.
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - April 23, 2019 - 12:00am

Nagpapatuloy ang exciting na laban para sa Best Player of the Conference sa pagitan nina June Mar Fajardo, Calvin Abueva at Matthew Wright dahil pinainit ng Phoenix Pulse ang kanilang semifinal duel kontra sa San Miguel Beer sa pagsungkit ng importanteng panalo noong nakaraang gabi.

Nangunguna si Fajardo sa stats race pero magdedelikado ang kanyang BPC quest kung sila ay masisilat ng Phoenix sa kanilang Final Four showdown.

Si Abueva at Wright ang natitirang serious rivals ni Fajardo para sa inaasam na individual award.

Kasama sina Sean Anthony, Stanley Pringle at RR Pogoy sa bumandera sa labanan sa stats derby. Pero namatay na ang kanilang aspirations kasabay ng maagang pagkakadapa ng kanilang koponan sa kasalukuyang torneo.

Kaya naman sina Abueva at Wright ang natitirang maaaring humadlang kay Fajardo na sumungkit ng ika-anim na BPC trophy sa all-Filipino tourney.

Krusyal ang Game Four ng kanilang serye dahil maaaring tumabla ang Phoenix sa 2-2 o tuluyang umusad sa trangko ng championship series ang San Miguel Beer.

Sobrang pisikal ang laban at ito naman ang inaasahan dahil hindi magkakaroon ng tsansang manalo ang Phoenix kung lalabanan nila ng straight shootout ang San Miguel Beer.

At hindi rin naman aasahan na uurong sina Arwind Santos sa physical game.

Dapat lamang ay laging handa ang mga refe-rees para wala ng sumobra pang extra curricular sa nangyayaring pisikalan.

CALVIN ABUEVA JUNE MAR FAJARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with