Biado runner-up sa WPA Players Championships
Carlo Biado
Biado runner-up sa WPA Players Championships
Chris Co (Pang-masa) - April 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagkasya sa runner-up trophy si dating world champion Carlo Biado matapos yumuko kay Kevin Cheng ng Chinese-Taipei, 11-12, sa finals ng 2019 World Pool-Billiard Association (WPA) Players Championship na ginanap sa Griffs Billiards sa Las Vegas, Nevada.

Pagkakataon na sana ni Biado na makuha ang korona nang magtala ito ng 8-5 kalamangan.

Subalit nagmintis ang Pinoy cue master sa No. 4 ball, bagay na sinamantala ng Taiwanese para makabalik sa porma at mahablot ang panalo.

Naibulsa ni Cheng ang tumataginting na $10,000 papremyo habang hindi naman uuwing luhaan si Biado na nagkamit ng $7,000 konsolasyon.

Nakapasok sa finals si Biado nang magtala ito ng 9-6 panalo kay Chang Yu-ung ng Chinese-Taipei sa semis.

Naharang naman ni Cheng ang tangkang all-Filipino finale matapos nitong igupo si Pinoy cue artist Johan Chua, 9-6, sa hiwalay na semis match.

Kabilang sa mga pinataob ni Biado sina Ruben Bautista Escaler sa first round (7-3), Skyler Woodward sa second round (7-5), Yang Ching-Shun ng Chinese-Taipei sa third round (7-6) at Shane Van Boening sa quarterfinals (7-4).

Nagtapos sa ikatlo si Chua para sa $5,000 konsolasyon habang magkasosyo sa ikasiyam sina Raymund Faraon at James Aranas na kapwa nagkamit ng $1,500 matapos makaabot sa third round.

CARLO BIADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with