^

PM Sports

CJ Perez pinatunayan ang sarili

Andrew Dimasalang - Pang-masa
CJ Perez pinatunayan ang sarili
CJ Perez

MANILA, Philippines — Laglag man sa kontensyon ng 2019 PBA Phi-lippine Cup ang Columbian Dyip, hindi pa rin noon napigilan ang pagpapatunay ni CJ Perez na siya pa rin ang top overall rookie pick.

Ito ay matapos magrehistro ng 17.3 puntos, 7.3 rebounds at 2.5 assists para sa Dyip na kinapos lamang sa All Filipino conference noong nakaraang buwan upang mapangalanang PBA Press Corps Rookie of the Month sa buwan ng Marso.

Nagkasya lamang sa 1-3 ang kartada ng Dyip noon pero hindi maitatanggi ang ambag ni Perez na muntikan pang madala sa unang conference niya ang Columbian na nagtapos sa 4-7 kartada sa pagwawakas ng kanilang kampanya sa idinaraos pang Philippine Cup.

Ikalawang Rookie of the Month na parangal na ito ni Perez matapos ding kubrahin ang naturang titulo noong Enero.

Tinalo ng 25-anyos na si Perez ang karibal nito mula sa NCAA pa na si Robert Bolick ng NorthPort sa botong 8-6 mula sa mga miyembro ng PBA Press Corps habang may isang boto naman ang kakampi niya dati sa Lyceum na si MJ Ayaay ng Alaska.

Bagama’t nakapuwersa ng playoff para sa ikawalo at huling playoff spot, natanggal din sa kontensyon ang Batang Pier sa kabila ng 6.2 puntos, 7.2 rebounds at 4.2 assists na inirehistro ni Bolick.

Nagkasya lang din sa 2-3 baraha ng NorthPort noon na natalo kontra sa Alaska sa knockout match para sa huling quarterfinal ticket.

 Si Ayaay naman sa kabilang banda ay may 5.4 puntos at 4.3 rebounds para sa Alaska na nasibak din sa quarterfinals kontra sa Phoenix.

Magugunitang kagagaling lang din ni Perez sa MVP performance sa ginanap na Rookies/Sophomores vs Juniors sa ginanap na 2019 PBA All Star Weekend sa Calasiao, Pangasinan noong katapusan ng Marso.

Tumipa si Perez noon ng 32 puntos kabilang na ang 18 puntos sa fourth quarter upang buhatin sa game-winning 141-140 tagumpay ang Rookies/Sophomores kontra sa kanilang mga kuyang Juniors.

vuukle comment

CJ PEREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with