Ang slam dunk ni Jaylen Brown ng Cel­tics sa Game Three laban sa Pacers.
Celtics amoy ang sweep sa Pacers
(Pang-masa) - April 21, 2019 - 12:00am

INDIANAPOLIS — Patuloy ang Boston Cel­tics sa pagsunod sa kanilang game plan.

Humataw si Jaylen Brown ng 23 points at kumolekta si Kyrie Irving ng 19 markers, 10 assists at 5 rebounds para sa 104-96 panalo ng Celtics kon­tra sa Indiana Pacers sa Game Three at kunin  ang 3-0 abante sa kanilang first-round series.

“We’ve come a long way,” sabi ni Irving. “We’re all making sure we’re giving each other confidence and doing the little things to ensure we win. When you have that type of camaraderie, executing is a lot easier. Now that the stakes are higher, we’re settling into who we want to be.”

Puwede nang walisin at tapusin ng Celtics ang kanilang Eastern Conference series ng Pacers sa Game Four sa Linggo (US time) sa Indianapolis.

Ginamit ng Boston ang kanilang matibay na de­pensa kung saan nila nalimitahan ang Indiana sa 12 points sa kabuuan ng third quarter.

Naduplika naman ni Tyreke Evans ang kanyang career playoff high na 19 points para sa Pacers, habang may 15 markers si Bojan Bogdanovic.

Sa Orlando, humakot si Pascal Siakam ng 30 points at 11 rebounds para akayin ang Toronto Rap­tors sa 98-93 paggiba sa Magic at agawin ang 2-1 lead sa Eastern Conference first-round series.

Nag-ambag naman si star forward Kawhi Leo­nard ng 16 points at 10 rebounds.

Pinamunuan ni Terrence Ross ang Orlando mu­la sa kanyang 24 points at kumolekta si Nikola Vucevic ng 22 points at 14 rebounds.

Sa Oklahoma City, nagsumite si Russell Westbrook ng 33 points at 11 assists para pangunahan ang Thunder sa 120-108 pagliligpit sa Portland Trail Blazers at makaiwas sa 0-3 pagkakabaon sa kanilang first-round playoff series.

Nag-ambag si Paul George ng 22 points kasu­nod ang 18 at 17 markers nina Jerami Grant at Dennis Schroder, ayon sa pagkakasunod, para sa Ok­lahoma City.

Ang Thunder ang mamamahala sa Game Four.

Nagpasabog naman si Damian Lillard ng 32 points, ngunit nalimitahan sa 3 markers sa kabu­uan ng fourth quarter matapos umiskor ng 25 sa third period sa panig ng Portland.

Tumipa si C.J. McCollum ng 21 markers kasunod ang 19 points ni Enes Kanter.

CELTICS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with