Isa sa pinakawalang tres ni Landry Shamet ng LA Clippers laban kay Draymond Green ng Golden State.
Clippers sinilat ang Warriors
(Pang-masa) - April 17, 2019 - 12:00am

OAKLAND, California — Nang magposte ang Golden State Warriors ng 31-point lead sa third period, inisip ni coach Steve Kerr na hindi na makakabangon ang Los Angeles Clippers.

Ngunit nagkamali siya ng akala.

Nakabawi ang Clippers mula sa nasabing pagkakabaon para resbakan ang Warriors, 135-131, sa Game Two at itabla ang kanilang first-round playoff series.

Nagsalpak si Landry Shamet ng isang go-ahead three-pointer sa nalalabing 16.5 segundo para sa Los Angeles habang nabigo naman si Stephen Curry sa kanyang tirada sa panig ng Golden State.

Isa itong historic comeback na sumira sa 29-point rally ng Los Angeles Lakers laban sa Seattle Supersonics noong 1989 Western Conference semifinals series.

Umiskor si Lou Williams ng 36 points para banderahan ang Clippers, pamamahalaan ang Game Three sa Staples Center sa Huwebes.

Tumipa naman si Curry ng 29 points para sa Warriors, kinuha ang 131-128 abante sa hu-ling 58 segundo kasunod ang triple ni Shamet.

Hindi nagamit nang husto ng two-time defending NBA champions si DeMarcus Cousins na nagkaroon ng leg injury sa first quarter.

Sa Philadelphia, nag-lista si Ben Simmons ng triple-double mula sa kanyang 18 points, 12 assists at 10 rebounds para banderahan ang 145-123 paglampaso ng 76ers sa Brooklyn Nets sa Game Two para itabla ang kanilang Eastern Conference playoff series.

Kumolekta naman si Joel Embiid ng 13 points sa third quarter kung saan ikinasa ng Philadelphia ang 29-point lead laban sa Brooklyn.

Tinapos ni Embiid ang laro na may 23 points at 10 rebounds, habang nagdagdag si back-up center Boban Marjanovic ng 16 markers para sa 76ers.

Pinangunahan ni Spencer Dinwiddie ang Nets sa kanyang iniskor na 19 points kasunod ang 16 markers ni D’Angelo.

NBA STEVE KERR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with