Mainit pa rin si James Yap
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - April 16, 2019 - 12:00am

Dalawa na ang nilundagan ni James Yap sa listahan ng mga PBA player na may pinakamaraming nakamadang three-pointers sa kasalukuyang PBA season, at nagbabadya na rin ang two-time MVP winner mula Escalante, Negros Occidental na tumalon pa ng isang step upang maging No. 3 sa elite list.

Nilagpasan ni Yap si Al Solis ilang linggo ang nakakalipas at pagkatapos ay tinalunan na rin si Dondon Hontiveros (1,137) noong nakaraang gabi.

Tangan ang 1,138 career record, hahabulin ngayon ni Yap na abutin ang marka ni Ronnie Magsanoc (1,171).

Sa kanyang average na 79.2 three-pointers made per season, mukhang madaling-madali para kay Yap na tuhugin ang record ni Magsanoc.

Ang katanungan ay kung mapapanatili pa rin niya ang kanyang kalusugan at shooting touch at least sa susunod na dalawang taon upang gibain ang records nina Jimmy Alapag (1,250) at Allan Caidic (1,242).

***

Ang nakakatuwa, kailangan ni Yap ng dalawang triples para burahin ang record ni Hontiveros noong nakaraang gabi.

Ang siste, ang buong koponan ng Rain or Shine ang nagpasiklab sa three-point shooting upang uma-lagwa sa 2-0 lead versus Magnolia sa kanilang PBA Philippine Cup best-of-seven semifinal series.

Nine-of-19 beyond the arc sa first half pa lamang ang Elasto Painters, apat dito ay mula kay Norbert Torres sa kanyang perfect 4-of-4 clip.

At nagpatuloy ang mainit na shooting ng E-Painters sa second half tungo sa madaling 93-80 panalo.

Sa paglalaro ng anim na laro sa loob ng labing-dalawang gabi, mahina na power ng mga legs ng Hotshots at nasama na rito ang malamlam nilang shooting.

Dahil tuluy-tuloy ang laro, ang kwestiyon ay makaka-recover pa kaya ang Hotshots sa pagkakabaon sa 0-2 deficit sa serye.

AMES YAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with