Nailusot ni Angeline Pauline Araneta ng Generika-Ayala ang kanyang spike kina Grace Lazard at Kendra Dahlke ng PLDT.
PM photo ni Ernie Peñaredondo
PLDT swak sa semis
Chris Co (Pang-masa) - April 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malakas ang signal na inilatag ng PLDT Home Fibr sa huling ba­hagi ng laro para pigilan ang Generika-Ayala, 25-15, 25-20, 24-26, 25-27, 15-12, at masikwat ang huling silya sa semis ng 2019 Philippine Superliga Grand Prix quarterfinals kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sumandal ang Power Hitters kina American im­ports Kendra Dahlke at Grace Lazard na gu­ma­wa ng mga huling pun­tos upang dalhin ang kanilang tropa sa unang semifinals appearance.

Humataw si Dahlke ng 37 points mula sa 33 attacks at 4 blocks, habang solido ang inila­ro ni Lazard na may all-around game na 15 attacks, 8 blocks at 2 aces.

“It was intense both teams are going head-to-head like it’s been the whole conference. That’s the third time I think that we go five sets with them. They are a great team, they give us the battle just like we wanted so going into the semis we will be battle-tested,” ani Dahlke.

Hindi maganda ang simula ng Power Hitters sa fifth set para mahulog sa 1-6 pagkakabaon.

Subalit tinapyas ito ng PLDT ma­tapos mag­latag 6-0 run mula sa so­lidong depensa sa net ni Lazard na sinabayan ng aces ni playmaker Jas­mine Nabor para ma­agaw ang bentahe.

Makailang ulit nagtabla ang iskor kabilang ang 12-12 buhat sa off-the-block hit ni Ge­nerika-Ayala import Kanjana Kuthaisong.

Iyon na lamang ang na­kayanan ng Lifesa­vers nang magtulong si­na Lazard at Dahlke.

 

PLDT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with