Nakakatawang mga flops
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - April 12, 2019 - 12:00am

Mahigpit ang FIBA refs sa pagbantay sa “flopping” sa international games dahil nga naman unfair sa kanila, sa mga manonood at sa game mismo kung mapapalusutan sila ng mga arte ng mga “floppers.”

Ito ‘yung mga players na higa nang higa sa court at pilipit na pilipit sa sakit ng tama kuno, pero nag-iinarte lang naman para makakuha ng foul mula sa kalaban.

Sa FIBA, binibigyan agad ito ng warning at tatawagan na ng technical foul kapag muling umulit.

Sa laro sa mga barangay courts “nana,” “ampag,” “lampa” at iba pa ang mga tawag dito. At marami nito ngayon sa PBA at lalo pang dumarami dahil hinahayaan ng liga.

Karamihan dito ay tamad lang dumepensa kaya’t konting bangga ay titilapon sa court at umaasang makakuha ng foul sa mga referees. Ang iba ay gusto lang makapagpahinga ng ilang segundo.

Ang hindi ko maintindihan ay kung hindi ba sila aware na isang katerba na ngayon ang TV camera at huling-huli sa slo-mo replay kung flop lamang ang eksena.

“Taboo noong araw iyan. Sila (Robert) Jaworski noon ay duguan na pero nakatayo pa rin. Sa ngayon, maraming players na katiting na bangga, hihiga at pipilipit na ng matindi sa court,” ani Pareng Kandong Pabaya, enforcer ng Sabino Alley team sa Maysan, Valenzuela.

Ang siste ay maraming game delays at madalas ang hagalpakan ng manonood kapag nakita na ang slo-mo replay sa playing venue.

Maaalalang viral sa social media at na-carry ng international sports networks ang isang eksena noon ni Mick Pennisi – tumilapon sa court pero sobrang late sa impact ng contact ng bola na ibinato sa kanya noong ng isang import.

Katawa-tawa! At maraming kaparehong comic flops ang napapanood ngayon.

Panahon na siguro na pagtuunan ito ng pansin ng PBA.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with