Panahon na ng Fuel Masters
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - April 9, 2019 - 12:00am

Maaalalang ipinamigay ng Phoenix Pulse ang kanilang fourth pick sa nakaraang PBA Annual Draft na tsansa sana nila na makuha ang batang frontline player na si Abu Tratter.

Sa halip, kinuha nila mula sa NLEX ang mga beteranong sina Alex Mallari at Dave Marcelo.

Ang pakiramdam kasi nila sa mga pagkakataon na iyon ay may core group na sila na puwedeng humabol sa championship, at kailangan na lang nila na i-fine-tune ang kanilang lineup sa halip na mag-invest sa batang rookie.

“We feel our time is now,” ani Phoenix Pulse top official Raymond Zorrilla noong mga panahon na iyon.

Kaya naman, wala silang premyadong rookie sa kanilang lineup, pero rumatsada sa pagtutulu-ngan ng mga may tahid na beterano sa pangu-nguna nina Calvin Abueva, Matthew Wright, RJ Jazul at Doug Kramer.

Wala silang malaking player na gaya nina June Mar Fajardo at Greg Slaughter, pero committed ang mga Fuel Masters na humatak ng bola sa pamamagitan ng gang-rebounding.

Dahil nga mga beterano, wala rin takot lumaban sa banggaang labanan ang mga tropa ni coach Louie Alas.

Ang bunga ay breakthrough top finish sa elimi-nation round na sinundan ng breakthrough Final Four entry.

Bago rito, never nanalo ang Phoenix ng playoff matches. Matatandaan din na No. 2 seed sila sa nakaraang Governors Cup pero hindi nakaabot sa Final Four dahil itinapon ang twice-to-beat advantage kontra sa Meralco.

Pero dahil sa patuloy na buildup, kumakatok na sa finals ngayon ang Fuel Masters.

Ang reigning four-time all-Filipino champ San Miguel Beer o ang TNT KaTropa ang maaring mabigat na balakid sa Phoenix tungo sa finale.

Pero iisa ang nasa isipan ng bawat miyembro ng koponan-sunggaban ang pagkakataon.

FUEL MASTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with