Parks nagpaalam sa Alab para maglaro sa PBA
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - April 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nagpa­alam si Bobby Ray Parks, Jr. sa San Miguel-Alab Pilipinas.

Ito ay ayon sa kanyang social media post kung saan pinasalamatan ni­ya ang koponan na kanyang naging tahanan at pamilya sa ASEAN Bas­ketball League sa nakalipas na tatlong taon.

“It’s been great and learned a lot. Thanks to who supported and allowed me the privilege of being in the league,” ani Parks sa post na kalakip ang kanyang larawan na suot ang Alab jersey. “On to the next chapter.”

Nabigo sina Parks at ang Alab matapos ang 0-2 kabiguan sa quarter­finals kontra sa Hong Kong Eastern Lions na si­yang nagsilbing huling la­ro niya sa koponan.

Sa tatlong taon niya sa Alab kung saan siya na­nalo ng dalawang ABL Lo­cal Most Valuable Pla­yer awards ay nagtala si Parks ng mga averages na 16.9 puntos, 5.4 rebounds at 3.6 assists sa loob ng 75 laro.

Ang susunod na chapter na tinutukoy ni Parks Jr. ay ang PBA kung sa­an siya nakatakdang mag­laro para sa Blackwater.

Anak ni seven-time PBA Best Import na si Bobby Parks, napili ang 26-anyos na guard bilang No. 2 overall pick noong 2018 PBA Rookie Draft.

Subalit hindi muna si­ya nakalaro para sa Blackwater sa unang con­­ference na PBA Phi­lip­pine Cup bunsod ng kon­trata niya sa Alab Pi­lipinas bago pa lamang siya magpa-draft.

Sa katunayan ay sa Ma­yo pa sana maaa­ring makapagsanay at ma­kapaglaro si Parks sa Alab dahil doon pa la­­mang matatapos ang ABL subalit napaaga ito dahil sa hindi inaasahang quarterfinal exit ng de­fending champion na Alab Pilipinas.

Nauna nang tiniyak ni agent/player Charlie Dy na handa na si Parks na mag­sanay at maglaro sa Blackwater.

Subalit dahil bugbog pa siya sa ABL ay mag­pa­pahinga mu­na si Parks at pagkatapos ng Semana Santa ay sasali na sa trai­ning camp ng Elite.

Balik na ang Blackwa­ter sa kanilang ensayo nga­­yong araw mula sa maikling bakasyon ma­ta­­pos matanggal agad sa Philippine Cup bunsod ng 2-9 kartada.

 

PARKS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with