Lady Eagles dinagit ang unang semis ticket
Chris Co (Pang-masa) - April 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napaamo ng Ateneo de Manila University ang National University, 25-14, 24-26, 25-17, 25-19, upang dagitin ang unang ti­ket sa Final Four ng UAAP Season 81 wo­men’s volleyball tournament kahapon sa Smart Ara­neta Coliseum.

Tuloy ang matayog na lipad ng Lady Eagles hawak ang 10-1 baraha para pagtibayin ang kapit sa so­long pamumuno.

Malaking tulong si Jules Samonte na bumira ng mga importanteng puntos ng laro upang ma­kalikom ng 10 attacks, 2 aces at 1 block para sa Ateneo.

“Team work lang tala­ga, we played together to get this win. We prepared against NU, we just trus­ted coach O’s (Oliver Almadro) system and give our best,” ani Samonte.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Lady Eagles para masi­guro ang isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa semis.

Tuluyan nang nasibak ang Lady Bulldogs na nalaglag sa 3-8 baraha.

Sa unang laro, mabilis na dinispatsa ng reigning champion De La Salle University ang Adamson Uni­versity, 25-15, 25-18, 25-16, para pala­kasin ang tsansa sa Final Four.

Bumandera si rookie Jo­lina Dela Cruz nang mag­tala ng 13 mar­kers at 10 digs para buhatin ang Lady Spikers sa ikawalong panalo sa 11 la­ro at mapatatag ng ka­ni­lang tropa ang kapit sa No. 2 spot.

Nagdagdag naman si team captain Desiree Cheng ng 11 points at kumana sina middle bloc­kers Aduke Ogunsanya at Des Clemente ng pi­nagsamang 16 hits, at outside hitter Tin Tiamzon ng anim na puntos.

Kumana si play­maker Michelle Cobb ng 18 excellent sets.

Sa men’s division, du­mikit ang NU sa ‘twice-to-beat’ advantage ma­ta­pos patumbahin ang La Salle, 25-20, 25-21, 25-16, at binigo ng Far Eas­tern University ang Uni­versity of the East, 25-18, 25-19, 25-12.

 

LADY EAGLES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with