Inilaglag ni 76ers star center Joel Embiid ang kanyang layup laban kay big man Robin Lopez ng Bulls.
76ers ipinoste ang 50-win mark
(Pang-masa) - April 8, 2019 - 12:00am

CHICAGO — Li­mang sunod na kamalasan sa season ang naranasan ng Philadelphia 76ers at may 10 lamang noong 2016.

Ngunit ngayon ay ti­natamasa na ni head coach Brett Brown ang matagumpay na sea­son.

Humakot si star center Joel Embiid ng 20 points, 10 rebounds, 5 assists at 3 blocks, habang nagtala si guard JJ Redick ng 23 markers para akayin ang 76ers sa 50-win mark sa ikalawang sunod na taon.

Pinasadsad ng 76ers ang Bulls, 116-96, para makuha nila ang natu­rang record.

“I know how difficult it is,” sabi ni Brown. “In the NBA, when you can have a team that can find 50 wins, it’s unique and difficult. I give (this) group credit. We’ve gone through a few iterations of what the team looks like. We all kind of understand the 50-win milestone goes away quickly when the playoffs begin. As it sits, to get back-to-back 50-win seasons is a great accomplishment for the guys in that loc­ker room.”

Tinapos ng 76ers ang kanilang kamalasan no­ong 2017-18 nang pu­ma­sok sa Eastern Con­fe­rence semifinals.

Target nila ngayon ang No. 3 seed.

Nagsalpak si Redick ng apat na 3-pointers, ha­bang nagdagdag sina To­bias Harris at Ben Simmons ng 16 at 14 points, ayon sa pagka­ka­sunod, para sa Philadelphia, nakawala sa Chi­cago sa third quarter matapos angkinin ang eight-point halftime lead.

Binanderahan naman ni JaKarr Sampson ang Bulls mula sa kanyang career-high na 29 points.

Sa Milwaukee, nagtala si guard D’Angelo Russell ng 25 points at 10 assists para banderahan ang Brooklyn Nets sa 133-128 paggupo sa Bucks at pagandahin ang kanilang katayuan sa Eastern Conference playoff race.

Naglaro ang Bucks na wala si MVP candi­date Giannis Anteto­kounmpo na may left calf injury.

76ERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with