UAAP softball title asam ng Lady Falcons
(Pang-masa) - April 2, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling mapapalaban ngayon ang Adamson University sa pagharap sa University of Santo Tomas sa Game Two ng kanilang best-of-3 UAAP softball finals sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Natalo ang Tigresses sa kanilang tatlong paghaharap ngayong season ngunit ayaw maging kumpiyansa ni Adamson coach Ana Santiago sa laban ng Lady Falcons tangka ang kanilang ikasiyam na sunod na titulo at 18th overall sa alas-8:30 ng umagang sagupaan.

“Basta ang importante sa amin, hindi pa tapos ang laban. Nagsisimula pa lang ang laban,” sabi ni Santiago.

Pumabor lahat sa Adamson University para itala ang abbrevia-ted 11-2 series-opening win noong Biyernes dahil walang maipantapat ang UST sa kanilang impresibong hitting at pitching.

Tangka naman ng De La Salle ang kanilang baseball championship series kontra sa Ateneo sa Game 2 ng kanilang sariling best-f-3 serye sa alas-12 ng tanghali.

Nanalo ang Green Batters sa series opener, 9-7.

SOFTBALL UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with