^
Curry, Durant humataw

Curry, Durant humataw

(Pang-masa) - March 29, 2019 - 12:00am

MEMPHIS, Tennessee — Humataw sina Stephen Curry at Kevin Durant ng tig-28 points para tulungan ang Golden State Warriors na patumbahin ang Grizzlies, 118-103 at solohin ang pangunguna sa Western Conference.

Tumipa si Durant ng magandang 12-of-13 fieldgoal shooting para sa Warriors, nakahugot din kay Curry ng 10 rebounds at kumolekta si DeMarcus Cousins ng 16 points at 9 rebounds.

Binanderahan naman ni Jonas Valanciunas ang Grizzlies mula sa kanyang 27 points at 13 rebounds, samantalang tumipa si Mike Conley ng 22 points para kunin ang career scoring lead ng prangkisa.

Nag-ambag si Bruno Caboclo ng 17 points at 13 rebounds para sa Memphis.

Umiskor si Durant ng pitong sunod na puntos bilang bahagi ng 9-0 atake para kunin ng Golden State ang 100-92 kalamangan sa gitna ng fourth quarter na hindi na nila binitawan.

Sa Salt Lake City, humakot si big man Rudy Gobert ng 22 points at 11 rebounds at nagdagdag si Derrick Favors ng 20 markers para igiya ang Utah Jazz sa 115-100 paggiba sa Los Angeles Lakers.

Umiskor si Jae Crowder ng 16 points para sa balanseng opensa ng Jazz, nakahugot ng double figures sa pitong players at naipanalo ang walo sa huli nilang siyam na laban.

Binanderahan ni Kyle Kuzma ang Lakers mula sa kanyang 21 points at nagposte si JaVale McGee ng 16 points at 13 rebounds habang may tig-13 markers sina Alex Caruso at Mo Wagner.

Nabigo ang Los Angeles na mailista ang ikatlong sunod nilang panalo dahil sa pagpapahinga ni LeBron James, nagtala ng 23 points, 14 assists at 7 rebounds sa kanilang 124-106 panalo laban sa Washington Wizards noong Martes.

Sa Phoenix, hinirang si Devin Booker bilang pinakabatang player sa NBA history na kumamada ng magkasunod na 50-point games, ngunit nabalewala ito nang talunin ng Wizards ang Suns, 124-121.

Ang lay-up at free throw ni Thomas Bryant sa huling 2.8 segundo ang nagbigay sa Washington ng bentahe.

CURRY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with