^

PM Sports

Knights diretso sa tatlo

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi maawat ang Pe­tron-Letran matapos ibulsa ang ikatlong sunod na tagumpay mula sa 77-70 paggiba sa Fa­mily Mart-Enderun sa umiinit na 2019 PBA D-League ka­hapon sa JSCGO Gym sa Cubao, Quezon Ci­ty.

Nasa unahan sa halos kabuuan ng laro, abante pa rin sa 66-52 ang Knights sa unang bahagi ng fourth quarter bago magpakawala ng matin­ding 16-8 bira­da ang Fa­mily Mart para luma­pit sa 68-74 sa huling 16.8 segundo sa laro.

Sa kabutihang palad, nasa kampo ng Letran ang oras upang maitakas ang dikit na tagumpay.

Uma­ngat sa 3-1 ang ba­­raha ng Intramuros-based squad papasok sa ma­habang break ng PBA D-League.

Titigil muna ang semi-pro league hanggang Abril 4 upang magbigay-daan sa papa­rating na 2019 PBA All-Star Weekend na ga­ganapin sa Calasiao, Pangasinan sa Marso 29 hanggang 31.

Katabla ng Letran ang Cignal-Ateneo at Che’Lu Bar and Grill pa­ra sa ikatlong puwesto ng Aspirant’s Group.

“We’re still learning. It’s a good win for us against a school-based team. Again, natututo pa rin kami every game,” ani coach Bonnie Tan.

Bumida para sa Knights si Alvin Pasaol na nagbaba ng double-double na 24 points, 10 rebounds at 3 assists.

Solido rin ang ambag ni Jerrick Balanza na may 14 points, habang may double double din na 10 points at 13 boards si Renato Ular.

Sa kabilang banda, tu­mipa ng 22 points, 5 assists at 4 boards si Valandre Chauca para sa Fa­mily Mart.

 

 

vuukle comment

KNIGHTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with