SMB-Alab kontra sa HK Eastern sa q’finals
Francisco Cagape (Pang-masa) - March 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Makakaharap ng nagdedepensang San Miguel-Alab Pilipinas ang Hong Kong Eastern Lions sa best-of-three series ng 9th ASEAN Basketball League Quarterfinal round simula sa Biyernes sa Hoopsdome ng Lapu Lapu City, Cebu.

Sa pagsasara ng elimination round, tumapos ang Filipino team sa ikala-wang puwesto sa 18-8 win-loss kartada sa likuran ng top seed na Formosa Dreamers na hawak ang 19-7 slate kaya makakatagpo ng tropa ni coach Jimmy Alapag ang No. 7 seed na Hong Kong Eastern na tangan ang 13-13 record.

Sa apat na pagtatagpo sa elimination round, tatlong beses na nilapa ng Alab Pilipinas ang Hong Kong team, ang una ay 87-75 noong Enero 11 sa Sta. Rosa, Laguna at sinundan ng 88-76 panalo noong Enero 27 sa parehong venue.

Ang ikatlong panalo ng Alab Pilipinas sa Hong Kong ay 96-81 noong Pebrero 8 sa teritoryo ng mga Chinese. Ang tanging panalo ng Hong Kong Eastern sa Alab Pilipinas ay 88-83 noong Pebrero 13 sa Southorn Stadium ng Wan Chai, Hong Kong kung saan hindi nakalaro ang Puerto Rican import na si PJ Ramos dahil sa food poisoning.

Samantala, nakalasap ang Alab Pilipinas sa kanilang ika-apat sunod na talo matapos yumuko sa Saigon Heat, 80-81 sa huling araw ng elimination noong Linggo sa CIS Arena ng Ho Chi Minh City, Vietnam.

Ngunit bale wala naman sa Pinoy team ang nasabing talo dahil tumapos pa rin silang strong second sa team standing pagkatapos ng eliminations.

Kahit ang pagbabalik ni Renaldo Balkman at Brandon Rosser ay hindi pa sapat para pataubin ang Vietnamese team. Hindi rin nakalaro ang 7’3 na si PJ Ramos at Caelan Tiongson habang patuloy pa ring wala si Lawrence Domingo kaya kulang pa rin sa tao si coach Alapag.

HK EASTERN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with