Pep rally para sa SEAG Philippine team
(Pang-masa) - March 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Isang pep rally at concert ang inihanda ng GoPilipinasGo movement para sa Team Philippines na kakampanya sa dara-ting na 30th Southeast Asian Games.

Sasama ang mga mi-yembro ng national team sa mga sporting legends pati na sa mga coaches at sports officials sa nasabing okasyon na magsisimula ngayong alas-5 ng hapon sa maalamat na Rizal Memorial Baseball Field.

Ang pep rally ang magsisilbing grand launch ng GoPilipinasGo movement na binuo para sa SEA Games at sa ha-ngarin ng Team Philippines na makamit ang overall championship.

Nakatakda ang 2019 SEA Games sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Kabilang sa mga Pinoy sporting legends na inimbitahan ay sina Lydia de Vega, Elma Muros-Posadas, Bong Coo, Paeng Nepomuceno, Eric Buhain, Onyok Velasco, Roel Velasco, Akiko Thom­son-Guevara, Renato Unso, Stephen Fernandez at Bea Lucero.

Hinawakan ng bansa ang SEA Games noong 1981, 1991 at 2005 at ilang mga gold, silver at bronze medalists ang inaasahang sasama sa pep rally.

Isang entablado ang itinayo sa kaliwang bahagi ng stadium na nagsilbing saksi sa mga home runs ng ilang baseball greats kagaya nina Babe Ruth, Charlie Gehringer at Lou Gehrig.

Libre para sa publiko ang pep rally na hindi lamang makikita ang mga paborito nilang mga national athletes kundi mapapanood pa ang mga bandang Johnny Cross, Silver Box at This Band.

 

PHILIPPINE TEAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with