Pinanood na lang ni Elfrid Payton ng Pelicans si Ja­mes Harden ng Rockets
James Harden namayagpag para sa Houston
(Pang-masa) - March 26, 2019 - 12:00am

NEW ORLEANS — Humakot si James Harden ng 28 points sa halos 29 minutong paglalaro para igiya ang Houston Rockets sa 113-90 paggupo sa Pelicans.

Nagtala naman si Chris Paul ng 10 points at 13 assists habang nagdagdag si Eric Gordon ng 18 points para sa Houston, nagsalpak ng 21 three-pointers para sa kanilang panglimang panalo sa huling anim na laban at ungusan ang Portland Trail Blazers sa third spot sa Western Conference.

Humakot si Anthony Davis ng 12 points at 10 rebounds sa loob ng 21 minuto sa panig ng New Orleans, natalo sa pang-walong pagkakataon sa huli nilang siyam na laro.

Nag-ambag si Frank Jackson ng 19 points kasunod ang 15 markers ni Julius Randle para sa Pelicans.

Sa Los Angeles, humugot si Kyle Kuzma ng 21 sa kanyang 29 points sa third quarter habang nagposte ng triple-double si LeBron James na 29 points, 11 rebounds at 11 assists para ihatid ang Lakers sa 111-106 panalo sa Sacramento Kings.

Winakasan ng Los Angeles, sibak na sa playoffs, ang kanilang limang sunod na kamalasan.

Naglista si center JaVale McGee ng 17 points at 14 rebounds para tulu-ngan ang Lakers na manalo sa ikatlong pagkakataon sa huli nilang 15 laban.

Sa Oakland, sa kanyang pagbabalik ay umiskor si Stephen Curry ng 26 points at nagdagdag si Klay Thompson ng 24 markers para tulungan ang Golden State Warriors sa 121-114 paggiba sa Detroit Pistons.

Bumawi ang Warriors mula sa naunang 91-126 pagyukod sa Dallas Mave-ricks noong Sabado kung saan ipinahinga si Curry.

Nakahugot din ang Golden State (50-23) ng 14 points at 11 assists mula kay Kevin Durant habang naglista si Draymond Green ng 14 points at 8 assists para muling angkinin ang first seed sa Western Conference kasunod ang Denver Nuggets (49-23).

Hindi naman naglaro sina DeMarcus Cousins at Andre Iguodala.

Kumolekta si Blake Griffin ng 24 points at 8 assists para sa Pistons.

JAMES HARDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with