Fajardo nanliit sa laki ni Dillo
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - March 26, 2019 - 12:00am

Cute ang eksena sa labas ng SMB dugout noong nakaraang gabi sa pagtatagpo nina June Mar Fajardo at Raul Dillo. Sa taas ni Dillo na mahigit pitong talampakan, biglang lumiit si 6-foot-11 SMB behemoth June Mar Fajardo.

Higanteng panatiko pala ni Fajardo si Dillo na pa-nandaliang sumubok maglaro ng basketball at umabot sa pagsusuot ng San Juan Knights uniform noong kapanahunan ng Metropolitan Basketball League.

Hindi nagtagal sa paglalaro si Dillo dahil hindi nasamahan ng basketball skills ang haba at laki ng sukat ng higante na ngayon ay edad 44 na.

Batian, kumustahan at kodakan ang eksena ng da-lawa. At nagsukatan ng haba ng kanilang mga kamay kung saan biglang nanliit ang kay Fajardo.

Sayang nga lamang at hindi napakinabangan sa basketball ang haba ni Dillo.

Pagkatapos ng sandaling pagsubok sa basketball ay napunta si Dillo sa showbiz kung saan makailang beses siyang nagkaroon ng mga cameo roles.

Kung naturuan at natutong maglaro, may panapat sana tayo noon kina Yao Ming at Bateer Menk ng China. O may pantulong man lamang sana na i-rotate kay Asi Taulava at Mick Pennisi.

May mas nauna pang higante sa Philippine basketball scene noon sa katauhan ni 6-foot-8 Bonnie de Jesus. At least, napakinabangan sa national youth si De Jesus noon bago pumalaot din sa movies.

***

Maagang natapos ang laban para sa Top Two at twice-to-beat advantage sa PBA Philippine Cup quarterfinals na nasungkit ng Phoenix (9-2) at Rain or Shine (8-3). Ang nanatiling kailangan madetermina ay ang third to eighth spots. Sa huling dalawang play dates ng elims, posisyunan ang laban ng TNT (7-4), San Miguel (7-4), Ginebra (6-3), Magnolia (5-5), Alaska (4-6), NLEX (4-6), NorthPort (3-6), Columbian (4-7) at Meralco (3-7).

 

FAJARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with