Silver King kampeon sa Hapi Group Trophy Race
Nilda Moreno (Pang-masa) - March 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpakitang gilas ang Silver King upang sikwatin ang korona sa Philracom - RBHS Class 4 “Hapi Group Trophy Race” kahapon sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite.

Kahit masikip ang puwesto sa tabing balya ng Silver King paglabas ng aparato, nakasilip ito ng butas papasok ng far turn kaya unti-unti itong umusad upang agawin ang bandera pagdating ng home turn.

Pero napalaban ang Silver King sa rektahan dahil dikitan ng Don Anton at napalaban nang kayugan sa huling 200 metro ng karera.

Hindi naman nataranta ang hinete ng winning horse na si PM Cabalejo nang pinitik nito ng latigo at saka kinayog si Silver King upang makuha ang inaasam na panalo sa event na nilaga sa Race 2.

Nirehistro ni Silver King ang tiyempong 1:31.4 minuto sa 1,400 meter race at tinawid nito ang meta na may dalawang kabayong distansya sa nasegundong si Don Anton.

“Sabi ko pag-ikot, luluwag din ‘yung dadaanan namin kasi hindi ako umalis sa tabing balya,” kuwento ni Cabalejo.

Kinolekta ng Silver King ang karagdagang P20,000 sa karerang inisponsoran ng Hapi Group habang may P10,000 din na ibinulsa ang winning horse owner.

Tumersero si Fire Dancer habang pang-apat dumating si Toscana sa event na suportado ng Philippine Racing Commission.

Kuminang naman sa Race 1 ang liyamadong si Apollo Of Aquila na nirendahan ni class A rider Mark Angelo Alvarez.

Inangkin ng Apollo Of Aquila ang titulo sa NPJAI Trophy Race nang ilista ang oras na 1:33 minuto sa distansyang 1,400 meter.

Tumanggap din ng P20,000 si Apollo Of Aquila habang P10k ang napunta sa may-ari ng kabayo.

Samantala, nagpatuloy ang pamamayagpag ng mga liyamadista nang manalo si Rockstar Show sa naganap na “Big Tecson” Trophy Race sa pangatlo karera.

Si Don Edong Diokno ang may-ari sa Rockstar Show pero si trainer Julius Roxas ang tumanggap ng premyo at trophy dahil nagpapagaling pa ito sa ospital.

Dumating na pangalawa si Yes All Wee Bet habang tersero si Go On Eugene.

SILVER KING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with