Si Luka Doncic ng Dallas laban kay Quinn Cook ng Golden State.
Warriors dinurog ng Dallas
(Pang-masa) - March 25, 2019 - 12:00am

OAKLAND, California — Nagposte si rookie sensation Luka Doncic ng triple-double habang umiskor si Dirk Nowitzki ng season-best 21 points para banderahan ang Dallas Mavericks sa 126-91 pagdurog sa Golden State Warriors.

Sinamantala ng Dallas ang hindi paglalaro ni Stephen Curry para tapusin ang kanilang tatlong sunod na kabiguan at ilaglag ang Golden State sa top seed sa Western Conference sa ilalim ng Denver.

Sa pagpapahinga kay Curry ay tumipa si Kevin Durant ng 25 points kasunod ang 19 markers ni DeMarcus Cousins para sa Warriors, nagtala ng mahinang 4-for-30 shooting sa three-point range, kasama ang 0-of-8 ni Durant at 0-of-4 ni Klay Thompson.

Nagposte si Doncic ng 23 points, 11 rebounds at 10 assists para sa unang panalo ng Mavericks sa Oakland matapos ang 12 sunod na kamalasan sapul nang manalo noong Abril 2012.

Nagtayo ng 43-point lead sa final quarter ang Dallas, nakahugot kina Ryan Broekhoof at Maxi Kleber ng 17 at 16 points, ayon sa pagkakasunod.

Umiskor naman ang 40-anyos na si Nowitzki ng 10 points para ibigay sa Mavericks ang 22-7 abante patungo sa pagbabaon sa Warriors.

Sa Chicago, kumolekta si center Rudy Gobert ng 21 points at 14 rebounds para pamunuan ang Utah Jazz sa 114-83 paggupo sa Bulls.

Ang 31-point winning margin ay tatlong puntos lamang ang kulang sa itinalang season high ng Utah, inilista ang 70-36 halftime lead at hindi na nilingon pa ang Chicago para sa kanilang ikaanim na panalo sa huling pitong laro.

Nag-ambag si Donovan Mitchell ng 16 points at 8 rebounds habang may 13 markers si Derrick Favors para sa Jazz.

Binanderahan naman ni Lauri Markkanen ang Bulls mula sa kanyang 18 points at 10 rebounds.

DALLAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with