^

PM Sports

Laguna Prov. hari ng BP Luzon

Francisco Cagape - Pang-masa

Ilagan City, Isabela, Philippines — Tuluyang inangkin ng Laguna Province ang over-all championship trophy matapos magtala ng kabuuang 38 golds, 35 silvers at 36 bronze medals kahapon sa pagtatapos ng 2019 Philippine Sports Commission-Batang Pinoy Luzon Qualifying Leg sa Ilagan City Sports Complex dito.

Karamihan ng mga ginto ng Laguna ay mula sa athletics at swimming kung saan humakot sila ng mahigit 20 golds. Ang iba ay sa taekwondo, archery, badminton, karatedo, lawn tennis, sepak takraw at table tennis.

Pagkaraan ng dalawang taon, natapos na rin ang dominasyon ng da-ting back-to-back national champion Baguio City na bumaba sa ikalawang puwesto sa 36-47-60 gold-silver-bronze tally o mahigit dalawang ginto ang agwat sa bagong kampeon.

Ngunit nanatili pa rin ang dominasyon ng mga atleta mula sa Summer Capital sa mga martial arts sports kagaya ng arnis, karatedo, pencak silat at taekwondo kung saan nakakuha sila ng sampung ginto.

Nanatili naman ang Quezon City sa ikatlong puwesto sa 24-19-11 haul habang pang-apat ang Pangasinan (23-24-26) kasunod ang Pasig City (22-24-27), Taguig City (19-17-28), Dasmariñas, Cavite (18-10-15), Dagupan City (16-12-11), Muntinlupa (14-8-5), Makati (13-8-15), Parañaque (11-3-11), Mandaluyong (10-14-12) at  Puerto Princesa City (10-7-6).

Sa huling araw  ng athletics event, nakakuha pa ang 14-anyos at 2018 Pala-rong Pambansa champion na si   Lheslie De Lima ng Camarines Sur ng isang ginto mula sa girls 800-m run (2:19.2) para sa ikalawang panalo kasunod sa 1500-m (4:51.5) noong Miyerkules.

Umani rin si James Bryle Ballesteros ng Laguna Province ng kabuuang dalawang ginto matapos magwagi sa boys 800-m run (2:06.3). Ang kanyang una ay sa boys 2000-m steeplechase (7:02.3) noong Huwebes.

Hindi rin nagpahuli si Charause Magvrylle Matchino at pinangunahan ang Laguna sa panalo sa girls 4x400-m relay (4:17.0) para sa kanyang ikatlong ginto kabilang na ang 4x100-m relay (52.0) at 2000-m steeplechase (7:40.7). Nag-uwi rin ang 14-anyos na si Machino ng dalawang silver mula sa 1500-m run (5:02.6) at 800-m run (2:21.7).

Umani rin ang Baguio City ng apat na ginto sa boxing event.

vuukle comment

BP LUZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with