Wala talagang balak si Mayweather
Chris Co (Pang-masa) - March 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mismong si International Boxing Federation (IBF) welterweight king Errol Spence Jr. na ang nagkumpirma na wala pang balak na magbalik sa boksing si Floyd Mayweather Jr. na kasalukuyang retirado na.

Kaya naman tila mas lumabo ang tsansang makahirit ng rematch si eight-division world champion Manny Pacquiao kay Mayweather.

Nakausap mismo ni Spence si Mayweather at inamin ng huli na malabo pang mangyari ang inaabangan ng lahat na pagbabalik nito sa ibabaw ng ring – at ang posibilidad na Pacquiao-Mayweather rematch.

Tanging exhibition matches lamang ang pinapatulan ni Mayweather kung saan tumatanggap ito ng milyong dolyares mula sa mga promoters ng event.

Nagawa na ito ng Mayweather noong Disyembre 31 nang talunin nito si Japanese kickboxer Tenshin Nasukawa sa Tokyo, Japan.

Kumita ng $9 milyon si Mayweather sa naturang exhibition bout.

“Floyd is retired. I actually spoke to Floyd and he said that he doesn’t have any ambitions of coming back,” wika ni Spence sa panayam ng Boxing Scene.

Sariwa pa si Spence sa unanimous decision win laban kay Mikey Garcia sa laban na ginanap sa AT&T Stadium sa Arlington, Texas.

At isa si Spence sa mga tinututukan ng Team Pacquiao na posibleng makaharap ng Pinoy champion.

Galing si Pacquiao sa matagum-pay na panalo kay Adrien Broner noong Enero.

Umaasa si Spence na matutuloy ang laban dahil malaki ang hatak ni Pacquiao sa mga boxing fans.

Sa katunayan, hawak ni Pacquiao ang live audience record sa AT&T Stadium.

At naniniwala si Spence na ka-yang punuin ng Spence-Pacquiao fight ang naturang venue.

MAYWEATHER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with