^

PM Sports

Sexton, Clarkson iniangat ang Cavs

Pang-masa

CLEVELAND — Nagbagsak si Rookie Collin Sexton ng 25 points habang nagdagdag si Fil-Am guard Jordan Clarkson ng 23 markers para banderahan ang 107-102 paggulat ng Cavaliers sa paboritong Milwaukee Bucks.

Diniskaril ng Cleveland ang pagkopo ng Milwaukee, naglaro nang wala si superstar Giannis Antetokounmpo sa korona ng Central Division.

Nagsalpak si Sexton ng isang three-pointer sa huling 1:42 minuto ng fourth period at umiskor ng driving layup matapos ang isang minuto para selyuhan ang panalo ng Cavaliers.

Nahulog sa 102-105 agwat, nagkaroon pa ng tsansa ang Bucks na makatabla kundi lamang sila nagkaroon ng krusyal na turnover.

Umiskor si Khris Middleton ng 26 points at may 24 markers si Eric Bledsoe para sa Milwaukee, nabigong madakma ang unang division title sapul noong 2001.

Hindi naglaro si Antetokounmpo sa ikalawang sunod na laro bunga ng kanyang sprained right ankle.

Sa Memphis, nagtala si James Harden ng 57 points, ngunit natakasan ng Grizzlies ang bisitang Houston Rockets, 126-125 sa overtime.

Ito ang ikalawang kabiguan ng Houston sa kanilang huling 14 laro. Tumipa naman si guard Mike Conley ng 35 points para sa Memphis habang nagtala si Jonas Valanciunas ng career-best 33, kasama ang game-winning free throw sa huling 0.1 segundo ng labanan at 15 rebounds.

Nagtala si guard Chris Paul ng 18 points at 7 assists para sa Rockets habang nagposte si Capela ng 14 points.

 

CLARKSON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with