12 nominado sa 2019 Philracom 3YO Fillies/Colts
Nilda Moreno (Pang-masa) - March 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Wala pang pormal na line-up para sa magaganap na 2019 Philracom “3-Year-Old Local Fillies & Colts” na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa darating na Linggo.

Subalit 12  tigasing ka­bayo ang nominado para sa nasabing stakes race.

May P1-M guaranteed na ikakalat sa first hanggang fourth sa event na inesponsoran ng Philippine Racing Commission.

Nagdeklara ng pagsali  sa 1,500 meter race ay sina Fever Act, Gil’s Magic, Lakan Takhan, My Jopay, Real Gold, Royal Bell, Serafina, Snap Dance, Toy For The Bigboy, Turns Gold, Two Timer at Westeros.

Kuwento ng beteranong karerista, kahit sino ay puwedeng manalo dahil sa laki ng premyong nakalaan.

“Malaki ang prem­yo kaya pihadong lahat naghanda para makuha ang premyo,” saad ni Romeo Ladiana isang beteranong karerista.

Tatanggap ng P500,000 ang unang kabayong tatawid ng meta, P225,000 ang hahamigin ng segundo habang ibubulsa ng third at fourth placers ang halagang P125,000 at P20,000 ayon sa pagkakasunod.

Mag-uuwi rin ng P30,000 ang breeder ng winning horse.

 

2019 PHILRACOM 3YO FILLIES/COLTS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with