Batangas vs Muntinlupa sa Final 4 showdown
(Pang-masa) - March 21, 2019 - 12:00am

BATANGAS CITY, Philippines –Umusad ang Batangas City at Muntinlupa  matapos itakda ang kanilang Final Four showdown sa 2019 MPBL Datu Cup matapos magtala ng panalo kamakalawa ng gabi dito sa Batangas City Coliseum.

Pinatumba ng Athle-tics ang Imus Bandera, 77-69 sa Game One ng kanilang best-of-three quarterfinals series.

Umiskor si Lester Alvarez ng 16 points, habang si Jeff Viernes ang bumida sa dulo ng final canto para makalapit sa Final Four berth ng Southern Division.

Nagsalpak si Viernes ng 8 points para akayin ang Athletics sa panalo laban sa Bandera.

“I know there were nights like this, but this guy is a game changer,” sabi ni Batangas coach Woody Co.

“Kung hindi dahil sa kanya, baka wala kami sa playoffs,” wika naman ni teammate Jhaymo Eguilos, nakatambal si Viernes sa paghahatid sa Jumbo Plastic Linoleum sa dalawang korona sa Pilipinas Commercial Basketball League.

Binigo naman ng Muntinlupa ang Zamboanga, 89-78 sa likod nina backcourt duo Ryusei Koga at Allan Mangahas sa kanilang series opener.

Umiskor si Koga ng 19 points, kasama ang tatlong krusyal na triples sa fourth period.

Nagbigay naman si Mangahas ng all-time league high 17 assists.

 

FINAL 4 SHOWDOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with