Perstaym ni Garcia sa PBA All-Stars
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - March 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Una ang Rain or Shine na nakatapos agad ng kanilang iskedyul sa idinaraos na 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup.

Ito ay matapos ang dikit na 88-85 panalo kontra sa Meralco kamakailan para wakasan ang eliminasyon sa 8-3 kartada na nagluklok sa kanila sa pansamantalang segunda puwesto sa likod ng Phoenix na sigurado na sa top seeding tangan ang 9-2 baraha.

Bunsod nito, magkakaroon ng mahabang pahinga ang Elasto Painters dahil sa April 3 pa matatapos ang ibang koponan sa kanilang elimination round campaign para malaman kung mananatili ba sila sa second spot para sa twice-to-beat incentives o babagsak sa ikatlong puwesto para sa best-of-three series na lamang sa quarterfinals.

Habang hinihintay iyon, ihahanda muna ni head coach Caloy Garcia ang kanyang sarili para sa nalalapit niyang unang salang bilang chief tactician sa 2019 PBA All Star Weekend.

“It’s always a good experience to be part of the All Star,” ani Garcia na huling nakasama sa All Star bilang deputy ni dating RoS head coach Yeng Guiao sa ginanap na 2016 PBA All Star sa Smart Araneta Coliseum. “It’s my first time as a head coach so it’s gonna be something to look forward to. It’s for the fans and as much as possible I would like to make all players play.”

Natoka si Garcia sa PBA South All Stars habang si Louie Alas naman ang gagabay sa North All Stars.

Mamumuno sa South team ni Garcia sina twin towers June Mar Fajardo at Greg Slaughter kasama sina Mark Barroca, Scottie Thompson at manlalaro niya sa Elasto Painters na si James Yap. Para sa North All Stars naman ni Alas ay mangunguna sina Marcio Lassiter, Paul Lee, LA Tenorio, Japeth Aguilar gayundin ang kanyang Phoenix player na si Calvin Abueva.

Ang 2019 PBA All Star Weekend ay sa Marso 29-31 sa Calasiao Sports Complex sa Pangasinan.

GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with