^

PM Sports

Twice-to-beat na ang Petron

Chris Co - Philstar.com
Twice-to-beat na ang Petron
Hinatawan ni Katherine Bell ng Petron sina Grace Lazard at Jasmine Nabor ng PLDT.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Patuloy ang mainit na harurot ng reigning Petron matapos palugmukin ang PLDT Home Fibr, 25-18, 25-21, 25-14 upang masungkit ang unang twice-to-beat card sa quarterfinals ng Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Napanatili ng Blaze Spikers ang imakuladang rekord nito (10-0) kung saan muling nasandalan ng tropa sina American imports Stephanie Niemer at Katherine Bell na hindi lamang maaasahan sa opensa maging sa depensa partikular na sa back line.

Bumira rin ng mga importanteng puntos sina local players Aiza Maizo-Pontillas, Remy Palma at Mika Reyes gayundin sina libero Denden Lazaro at playmaker Rhea Dimaculangan na may 31 excellent sets.

“Kinargahan lang namin yung services namin para magkaroon ng mis-receive yung kalaban at magawa namin yung play namin. Andun yung mindset namin na bawal kami mag-relax,” ani Dimaculangan.

Naputol ang three-game winning streak ng Power Hitters para magkasya sa 6-5 kartada.

Sa unang laro, kumuha ng lakas ang Uni-ted Volleyball Club kina Filipino-American Kalei Mau at import Yaasmeen Bedart-Ghani para pigilan ang Cignal sa pamamagitan ng 14-25, 25-21, 25-21, 26-24 desisyon.

Kumana si Mau ng triple-double na 19 puntos, 14 digs at 14 excellent receptions habang bumanat naman si Bedart-Ghani ng 14 spikes, 3-blocks at isang ace upang buhatin ang United VC sa ikalimang panalo sa siyam na laro.

Nagbigay ng magandang suporta si Tai Manu-Olevao na may 10 hits samantalang naglatag ng matikas na laro si setter Alohi Robins-Hardy na umiskor ng 31 excellent sets, 16 digs at tatlong puntos.

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with