^

PM Sports

CEU sinolo ang liderato

Andrew Dimasalang - Philstar.com
CEU sinolo ang liderato
Si Malick Diouf ng CEU laban kay Alvin Capobres ng Valencia-SSC-R.
PBA D-League photo

MANILA, Philippines — Sinipit ng Centro Escolar University ang Valencia City Bukidnon-San Sebastian College-Recoletos,71-65 upang solohin ang liderato sa 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League kahapon sa Paco Arena sa Maynila.

Sinimulan ng Scorpions ang laban sa 19-5 ratsada upang itakda ang tiyempo hanggang sa mapanga-lagaan pa nga ito sa 69-59 abante sa huling apat na minuto ng laban.

Subalit hindi agad sumuko ang Golden Stags nang putulin pa hanggang limang puntos ang pagkakaiwan.

May tsansa pa sanang ilapit lalo ng Valencia ang iskor subalit sablay si Allyn Bulanadi sa dalawang subok nito hanggang sa selyuhan na ni Senegalese bigman Malick Diouf ang panalo para sa Scorpions.

“Valencia really started well in their first three games so for today, we wanted to start strong which we did,” ani head coach Derrick Pumaren. “But I’m not happy with our turnovers because they came back.”

Bunsod ng panalong ito, naangkin na ng CEU ang solo liderato sa Foundation Group sa hawak ngayon na 4-0 baraha.

Namuno sa Mendiola-based squad si Diouf sa iniskor na 21 puntos at makasaysayang 30 rebounds sahog pa ang apat na supalpal habang solido rin ang suporta ni Jan Formento na may 16 puntos.

Nag-ambag din ng kumpletong 13 puntos, limang rebounds at apat na assists si Christian Uri habang may 10 puntos, limang rebounds at anim na assists si Keanu Caballero para sa mga bataan ni Pumaren.

Malamya naman ang naging shooting ng lider na si Bulanadi na pumukol ng 6-of-22 mula sa field ngunit nanguna pa rin para sa koponan sa kanyang 16 puntos.

Naglista rin ng double-double na 13 puntos at 13 rebounds si Alvin Capobres habang may 10 puntos ang big man na si JP Calma.

Samantala sa isa pang laro, nakuha rin ng University of Santo Tomas ang solo liderato sa Aspirants Group matapos ang 92-82 na tagumpay kontra sa reigning champion ngunit namomroblemang Go For Gold.

Giniyahan ng sentrong si Soulemane Chabi Yo ang atake ng Growling Tigers sa halimaw na double-double na 32 puntos at 25 rebounds sahog pa ang da-lawang, assists, dalawang steals at dalawang supalpal.

Umalalay naman sa kanya sina Sherwin Concepcion at Renz Subido na may 13 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa España-based squad na umangat sa 4-0 baraha sa Foundation Group.

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with