^

PM Sports

Tom, Mojdeh ualagwa na

Francisco Cagape - Philstar.com

ILAGAN CITY, Isabela, Philippines — Humataw agad ng tatlong gintong medalya si Aubrey Tom ng Cainta, Rizal habang dalawa kay Micaela Jasmine Mojdeh ng Parañaque sa unang araw pa lamang ng swimming competition kahapon sa 2019 Philippine Sports Commission-Batang Pinoy Luzon Qualifying Leg kahapon sa Old Isabela Sports Complex dito.

Inangkin ng 12-anyos na si Tom ang ginto sa girls 12-year ang under 200-m individual medley (IM) sa oras na 2:07.95 at 100-m freestyle (1:04.24). Ang kanyang ikatlong ginto ay sa 50-m backstroke (34.20).

“I was told by my coach to really give my best to win and I follow what he said. I’m happy to win gold medals in just my first participation in Batang Pinoy competition,” sabi ng Grade VI estudyante ng International Learning Academy.

Mayroon pang limang events ang promising swimmer na si Tom at Malaki ang kanyang tiwala na madadagdagan pa ang kanyang koleksyon sa huling tatlong araw ng medal-rich aquatics event.

Hindi rin nagpahuli ang 12-anyos na si Mojdeh na sumasali na ngayon sa girls 13-15-year category matapos dominahin ang 200-m IM (2:34.91) at 400-m IM (5:25.11) upang maging malakas na kandidato sa most bemedalled swimmer honor kasama si Tom.

“Medyo napagod rin ako dahil sunud-sunod ang aking sinalihan na kumpetisyon. Galing pa kasi ako sa Japan kung saan sumali ako sa Age Group championship. Para sa akin, okay lang rin ang time ko dito,” ayon kay Mojdeh na isang Grade VII estudyante sa Immaculate Heart of Mary College sa Parañaque.

Nakuha naman ni Samuel Villanueva ng Marikina ang ginto sa boys 12-year 200-m IM (2:44.39) habang nagwagi Gabriel Jizmundo ng Dagupan sa boys 13-15-year 200-m IM (2:26.44) Patrick Vidal ng Quezon City sa boys 12-year 100-m freestyle (1:08.17) at si Sophia Manantan ng Puerto Princesa City sa girls 13-15-year 100-m freestyle (1:04.03).

Ang ibang nag-uwi ng ginto sa swimming ay sina Philip Miguel Mendoza ng Laguna sa boys 15-year 400-m IM (5:10.29), Johan Aguilen ng La Union sa boys 13-15-year 100-m freestyle (58.98) at iba pa.

vuukle comment

MICAELA JASMINE MOJDEH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with