^

PM Sports

Antibay ni Tenorio

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Antibay ni Tenorio
LA Tenorio

MANILA, Philippines — Matapos ang mahabang 15 taon, may bagong ‘Iron Man’ na sa wakas ang Philippine Basketball Association (PBA).

At iyon ay walang iba kundi si LA Tenorio ng Barangay Ginebra matapos sumalang sa kanyang makasaysayang ika-597 na sunod na laro sa kanyang pro-career upang iukit ang bagong rekord sa most games played ng 43-taong PBA.

Inalpasan ng 34-anyos na si Tenorio ang alamat na si Alvin Patrimonio ng Purefoods na sumabak sa 596 na sunod na laro simula noong 1992 hanggang sa pagretiro niya noong 2004.

Sa ‘di inaasahang pagkakataon, nagawa ito ni Tenorio sa harap pa ni Patrimonio nang kumawala ang Gin Kings, 97-93 sa overtime na panalo kontra sa Hotshots kung saan nagsisilbing team manager si Patrimonio.

“I’m blessed to witness ‘yung na-accomplish ni LA. Actually talagang dapat siya. He deserved the award,” ani Patrimonio na dati ring four-time PBA Most Valuable Player.

“Maganda rin is sa Manila Clasico niya nakuha. I’m happy for him. Very historical day today kasi mahirap talaga ‘yung sacrifices ng gusto mong makuha, gusto mong ma-achieve. Great job for LA talaga.”

May alyas na ‘Captain’, panahon na rin aniya upang si Tenorio na ang matawag na Kapitan mula sa bansag na ‘Tinyente’ lalo’t siya na ngayon ang pina-kabagong kapitan bilang pinakamatatag na player sa PBA pagdating sa most games played.

“Talagang saludo ako sa na-accomplish ni LA. Dapat hindi na siya Tinyente, Captain na siya dapat. It’s all about the passion for the game, the love for the game,” ani Patrimonio na naniniwalang kaya pang palawigin ni Tenorio ang kanyang streak  hanggang 700 na sunod na laro.

“Talagang passion and heart all in talaga. Congra-tulations to LA. As long as he’s playing in the PBA siguro kaya na niya straight-in na yun. Andun na ‘yung momentum eh, and alam na niya more or less kung paano niya alagaan katawan niya.”

Para naman kay Tenorio, isang himala ang natu-rang streak na ito na sinimulan niya noong 2006 nang pumasok sa PBA bilang fourth overall pick.

“It’s a huge achievement for me and it’s not easy to do,” anang tubong Nasugbu, Batangas na si Tenorio. “It’s miracle for me. It’s really a God’s gift. Sa lahat ng players, ako pinili ni God sa ganitong kasaysayan. It’s really a miracle.”

Subalit hindi alam ng karamihan, hindi 2006 kundi 2002 pa nagsimula ang streak ng ‘Iron Man’ na si Tenorio nang huli siyang makaliban ng laro bunsod ng hand injury para sa Ateneo Blue Eagles sa UAAP.

Buhat noon, dire-diretso na ang paglalaro ni Tenorio para sa kabuuang 17 taon at walang balak na itigil ang kanyang streak hangga’t kaya niya pang tumakbo at maglaro.

vuukle comment

LA TENORIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with