^

PM Sports

Petron-Letran dinurog ang McDavid

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Petron-Letran dinurog ang McDavid
Umiskor si Jeo Ambohot ng Petron-Letran laban kay Jan Colina ng McDavid.
PBA D-League photo

MANILA, Philippines — Kinolekta ng Petron-Letran ang ikalawa nitong sunod na tagumpay matapos ang madaling 89-64 na panalo kontra sa McDavid sa pagpapatuloy ng 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League kahapon sa Paco Arena sa Maynila.

Matapos lumamang nang maagang 17 puntos, nagkumahog ang Letran nang humabol sa hanggang 54-58 ang McDavid sa 1:16 marka ng ikatlong kanto.

Subalit agad na sumagot ang Knights gamit ang 12-0 ratsada upang tuluyang ilayo ang McDavid, 70-54 sa unang bahagi ng fourth quarter tungo sa malaking 25-puntos na tagumpay.

Bunsod nito, uma-ngat ang Letran sa 2-1 baraha upang mapanatili ang puwesto sa gitnang bahagi ng Aspirants Group.

“Medyo nag-relax eh, but we’ll be learning from this kind of games,” ani head coach Bonnie Tan na nasa kanyang unang DLeague tourney matapos palitan ang dating Letran coach na si Jeff Napa.

“Actually it’s a good win for a young team against a veteran team. Again, we’re here to learn and to get experience sa mga ganitong laro.”

Trinangkuhan ni Gilas Pilipinas cadet Jeo Ambohot ang atake ng Knights sa inilistang 17 puntos at walong rebounds habang nag-ambag din ng 12 puntos, apat na assists at dalawang steals si Jerrick Balanza.

Solido rin ang kontribusyon ng sentrong si Larry Muyang na perpekto ang buslo mula sa field, 4-of-4, tungo sa 11 puntos, anim na assists at tatlong rebounds.

Sa kabilang banda, tanging si Dahrrell Caranguian lamang ang nakapagpagpakitang-gilas para sa bagitong McDavid sa likod ng kanyang 15 puntos.

Dahil sa isa na namang kabiguan, wala pa ring panalo ang McDavid sa tatlong salang ngayon sa kanilang unang DLeague tournament upang masadsad sa dulo ng Aspirant’s Group.

Samantala sa ikalawang laro, napanatili ng St. Clare College-Virtual Reality ang malinis nitong kartada matapos ang 80-73 na tagumpay kontra sa Batangas-Emilio Aguinaldo College.

Sa likod ng 18 at15 puntos nina Junjie Hallare at Irven Palencia, ayon sa pagkakasunod, ay umangat sa 3-0 ang baraha ng Saints upang samahan ang UST sa tuktok ng Aspirants Group.

Nauwi naman sa wala ang 18 puntos ni Marvin Taywan para sa General na nalugmok sa 1-3 rekord.

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with