^

PM Sports

SMB-Alab yuko sa Formosa

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nalasap ng nagdepensang San Miguel-Alab Pilipinas ang ikatlong sunod na talo makaraang yumuko sa Formosa Dreamers, 88-74  sa penultimate round ng 9th Asean Basketball League (ABL) sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex noong Linggo ng gabi sa Sta. Rosa City, Laguna.

Patuloy pa ring hindi nakakalaro ang tatlong key players na sina Renaldo Balkman (concussion), Lawrence Domingo (knee) at Brandon Rosser (knee) dahil sa injury kaya nakatikim ang Filipino team sa kanilang ikatlong talo sa Dreamers sa apat na pagtatagpo sa season na ito at unang talo sa 13 home court games.

Dahil sa pagkawala ng tatlong key players, hindi nakayanan ng tropa ni coach Jimmy Alapag ang ratsada ng mga Amerikanong imports ng Formosa na sina Malcolm Miller, Tevin Glass at Will Artino kaya bumaba sila sa ikalawang puwesto sa standing sa 18-7 win-loss kartada sa likuran ng bagong solo leader Formosa na hawak na ang 18-6 slate.

Umani si Bobby Ray Parks Jr. ng 24 puntos, pitong rebounds, limang assists habang ang Puerto Rican 7’3 import na si PJ Ramos ay tumulong ng 22 puntos, siyam na rebounds at dalawang assists.

Tatapusin ng Alab Pilipinas ang kanilang elimination round assignments sa paghaharap kontra sa Saigon Heat ngayong Linggo sa CIS Arena sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Kailangang manalo ng Alab Pilipinas upang tumabla sa top spot at manatiling buhay ang pagkakataon na masungkit ang solo liderato. Hangad ni coach Alapag ang home court advantage simula sa quarterfinals.

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with