Pacquiao puwede na kay Spence
Chris Co (Pang-masa) - March 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handang patusin ni World Boxing Association regular welterweight king Manny Pacquiao si Errol Spence na sariwa pa sa matagumpay na pagtatanggol ng International Boxing Federation (IBF) welterweight title laban kay Mikey Garcia kahapon sa AT&T Stadium sa Dallas, Texas.

Nanood mismo si Pacquiao sa ring side ng Spence-Garcia fight na tila bahagi na ng paghahanda ng Pinoy champion para mapag-aralan ang galaw ni Spence sa loob ng ring.

“I am looking at the winner of this fight. Spence wants to fight me. I am hoping to be back here, soon,” ani Pacquiao.

Mataas naman ang res-peto ni Spence kay Pacquiao na itinuturing na le-gend sa mundo ng boksing.

Malaking karangalan aniya ang makaharap ang isang world-class fighter na tulad ni Pacquiao.

“He is a legend of the sport. It would be my honor to fight him next,” ani Spence.

Wala pang pormal na anunsiyo ang dalawang kampo dahil prayoridad pa rin ni Pacquiao na maisaayos ang rematch laban kay Floyd Mayweather Jr.

Sakaling hindi matuloy ang inaabangang Pacquiao-Mayweather 2, malaki ang posibilidad na si Spence na nga ang makalaban ng Pambansang Kamao.

Nasa iisang promotional group sina Pacquiao at Spence na parehong nasa ilalim ng Premier Boxing Champions ni Al Haymon kaya’t hindi magiging problema ang negosasyon.

Wala pang talo si Spence sa 25 pagsalang kaya’t inaasahang magi-ging maganda ang bakbakan sa oras na makaharap nito si Pacquiao.

“People said I couldn’t box. You saw it today. I can box, I can move my head. I can do it if I want to,” ani Spence na nagtala ng 120-107, 120-108, 120-108 unanimous decision win kay Garcia.

Sa kabilang banda, nagbalik na ang bangis ni Pacquiao na kitang-kita sa kaniyang mga nakalipas na laban.

Tinalo nito sina Argentinean Lucas Matthysse at American Adrien Broner sa kaniyang huling dalawang laban.  

PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with