Dinipensahan ni Philip Paniamogan ng NLEX si Paul Desiderio ng Blackwater.
PM photo ni Jun Mendoza
Buhay pa ang NLEX
Russell Cadayona (Pang-masa) - March 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagtayo ang Road Warriors ng 29-point lead sa dulo ng third period bago ito naputol ng Elite sa siyam na puntos.

Ngunit hindi tumawag ng timeout si coach Yeng Guiao bilang pagpapakita ng tiwala sa kanyang mga bataan.

Isang 15-4 bomba ang inihulog ng NLEX sa gitna ng fourth quarter para tuluyan nang patumbahin ang Blackwater, 122-101 sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nanguna sina Philip Paniamogan at Bong Galanza para sa ikalawang sunod na arangkada ng Road Warriors, kumonekta ng kabuuang 21 three-point shots, at buhayin ang kanilang tsansa sa eight-round quarterfinal round.

Nalaglag naman ang baraha ng Elite sa 2-8 at namaalam sa torneo.

Bumirada si Paniamogan ng 25 points, tampok dito ang 5-of-9 shooting sa 3-point line, habang may 18 markers si Galanza mula sa limang tres.

Ipinoste ng NLEX, nakahugot ng 20 points kay big man Poy Erram, ang 16-point lead, 55-39, laban sa Blackwater mula sa dalawang free throws ni Cyrus Baguio sa huling 42 segundo patungo sa halftime.

Ang fastbreak layup ni Paniamogan sa huling 4:47 minuto ng third period ang naglatag sa 29-point advantage, 84-55, ng Road Warriors habang binanderahan naman ni Allein Maliksi ang paglapit ng Elite sa 86-95 sa 8:13 minuto ng final canto.

Subalit hindi tumawag si Guiao ng timeout.

Isang maikling 15-4 bomba ang inihulog ng NLEX sa pamumuno nina Paniamogan, Galanza at Kenneth Ighalo, tumapos na may 17 markers kasama ang limang triples, para muling makalayo sa 110-90 sa huling 3:20 minuto ng laro.

Sapat na ito para tuluyan nang bumigay ang Blackwater.

Habang sinusulat ang balitang ito ay naglalaban pa ang Ginebra (4-3) at Magnolia (3-4) sa ikalawang laro kagabi.

 

NLEX
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with