PLDT sinorpresa ang F2
Chris Co (Pang-masa) - March 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinorpresa ng PLDT Home Fibr ang F2 Logistics sa bendisyon ng 25-20, 23-25, 25-21, 25-18 desisyon para kunin ang ikaanim na panalo sa 2019 Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa Alonte Sports Arena sa Biñan City, Laguna.

Mas agresibo ang inilabas na laro ng Power Hitters nang magpakawala ito ng 54 attacks laban sa 46 lamang ng Cargo Movers para makapasok sa Top 3 sa standings hawak ang 6-4 baraha.

Nanguna sa matikas na atake ng PLDT Home Fibr sina imports Grace Lazard at Kendra Dahlke na nagbaon ng malulupit na cross-courts at down the line hits.

Nakatulong ng dalawang reinforcements sina wing spikers Aiko Urdas at Shola Alvarez gayundin si middle blocker Sasa Devanadera.

Nakagawa naman si setter Jasmine Nabor ng 25 excellent sets kasama pa ang limang puntos habang si seasoned libero Lizlee Ann Gata-Pantone ang pa-ngunahing naasahan ng Power Hitters sa floor defense.

Nakahugot din ang Power Hitters ng pitong blocks kumpara sa anim ng Cargo Movers at 9-7 bentahe sa service area para makuha ang panalo.

Naging malaking butas sa panig ng F2 Logistics ang 28 errors na nagawa nito para hirap na makalapit sa Power Hitters.

Nahulog sa 7-2 ang Cargo Movers kung saan hindi umubra ang puwersang inilatag nina Becky Perry at reigning MVP Lindsay Stalzer.

Ramdam ang pagkawala ni key setter Kim Fajar-do na nagpapagaling sa tinamong finger injury.

Nakabawi ang Power Hitters sa 20-25, 21-25, 19-25 kabiguan nitong tinamo sa Cargo Movers sa first round ng eliminasyon noong nakaraang linggo.

PLDT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with