Nasa America si Pacquiao
Chris Co (Pang-masa) - March 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Lumipad na patu-ngong Amerika si Manny Pacquiao para panoorin ang bakbakan nina International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence at challenger Mikey Garcia sa Sabado (Linggo sa Maynila) sa AT&T Stadium sa Arlington, Texas.

Nagpasya si Pacquiao na panoorin ang laban upang pag-aralan ang galaw nina Spence at Garcia na kabilang sa mga kandidatong makakaharap ng Pinoy sensation sa pagdepensa sa kaniyang World Boxing Association (WBA) regular welterweight title.

Nakatakdang duma-ting si Pacquiao sa Texas sa Biyernes (Sabado sa Amerika) mula sa kaniyang European (Switzerland-Germany-Austria) tour kasama ang ilang miyembro ng pamilya at miyembro ng Team Pacquiao na si Sean Gibbons.

Wala pang pormal na anunsiyo ang Team Pacquiao kung sino ang makakalaban ng Pambansang Kamao ngunit nais ng coaching staff na maihanda ng maaga si Pacquiao.

Kaya naman personal na nagtungo ang Pinoy champion sa Texas para mapanood ang bakbakan nina Spence at Garcia.

Ito ang unang pagkakataon na magbabalik si Pacquiao sa AT&T Stadium na mas kilala sa Cowboys Stadium.

Noong 2010, lumaban si Pacquiao sa naturang venue kontra kina Ghanaian Joshua Clottey at Mexican Antonio Margarito.

Nanalo si Pacquiao sa parehong laban via unanimous decision para sa World Boxing Council super welterweight title.

Maliban kina Spence at Garcia, kandidato rin si WBA super welterweight king Keith Thurman na galing sa panalo kay Josesito Lopez noong Enero sa labang ginanap sa New York City.

Pare-parehong nasa ilalim ng Premier Boxing Champions (PBC) sina Pacquiao, Spence, Garcia at Thurman kaya’t hindi magiging mahirap ang negosasyon.

Subalit malaki ang posibilidad na muling magharap sina Pacquiao at American boxer Floyd Mayweather Jr.

 

PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with