Devance nadiskaril ang pagbabalik sa Ginebra
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - March 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakabalik na sa line-up ng Barangay Ginebra sina Mark Caguioa, Art Dela Cruz, Jervy Cruz at Julian Sargent mula sa kanilang mga injuries subalit si Joe Devance naman ang nadale ng injury.

Umiinda ng plantar fasciitis sa kanang paa ang 6-foot-7 big man ka­ya’t hindi muna makaka­sama sa kampanya ng Gin Kings sa 2019 PBA Philippine Cup.

“He is going to be out at least two weeks,” ani head coach Tim Cone. “He is doing a good job. He lost a lot of weight over the last few weeks and that takes some of the pressure off his foot.”

Nagkaroon ng iba’t ibang in­juries ang 37-an­yos na beterano ka­bilang ang knee injury na nagkait sa kanyang makalaro noong 2018 PBA All-Star Weekend Vi­sayas Leg sa Iloilo Ci­ty.

Nadale rin siya ng foot fracture na naging dahilan ng hindi niya pag­lalaro sa malaking bahagi ng elimination round ng 2018 Governors’ Cup subalit naglaro pa rin sa kabila nito upang tulu­ngan ang Gin Kings bago kapusin laban sa Magnolia Hot­shots sa kanilang title retention bid.

Umaasa si Cone sa iba pang big man na sina Jervy Cruz at Aljon Ma­riano kapalit ni Devance.

JOE DEVANCE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with