Ipinagdiwang ng AFP Cavaliers ang kanilang paghahari laban sa Se­nate Defenders sa 2019 UNTV Cup kasama ang mga UNTV officials na sina President at CEO Dr. Daniel Razon at Gerry Panghulan.
AFP Cavaliers winalis ang Senate Defenders sa UNTV Cup Finals
(Pang-masa) - March 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinirang ang Armed Forces of the Philippines bilang unang three-time champion ng UNTV Cup matapos walisin ang Senate sa ka­nilang best-of-three title series sa Smart Arane­ta Coliseum noong Lu­nes.

Bumandera sina Jerry Lumongsod, Darwin Cordero at Boyet Bautista para tulungan ang AFP Cavaliers na talunin ang Senate Defenders, 88-78, sa Game Two.

Nagtala si Lumongsod ng 26 points, 3 assists, 3 steals at 1 rebounds para tanghaling Finals MVP sa seventh season ng torneo.

Nauna nang umiskor si Lumongsod ng 14 points sa kanilang 76-73 paglusot sa Game One.

Nagbida din para sa Cavaliers sina Darwin Cor­dero at dating Letran star guard Boyet Bautista na nagdagdag ng 19 at 18 points, ayon sa pagkakasunod.

May 11 markers naman si Jeffrey Quiambao at nilimitahan si high-scoring Garri Se­villa ng Senate sa 5 points mula sa malam­yang 2-of-10 fieldgoal shooting.

Ang panalo ng AFP ay katumbas ng P4 mil­yon para sa kanilang beneficiary na Education Benefit Systems Office.

Tumanggap din ang Cavaliers, naghari no­ong 2024 at 2016, mula kay UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon ng premyong P500,000, habang may P300,000 ang Defenders.

Ang Kythe Foundation, Tahanang Mapag­pa­la Immaculada Concepcion, Inc. at Bahay Pangarap Foundation, Inc. ang napiling beneficiaries ng Senate.

Bukod kay Razon, nanood din sa natu­rang laro kasama si­na UNTV executive Ger­ry Pang­hu­lan, Senators Joel Vil­lanueva at Sonny Angara, Vice Admiral Gaudencio Col­lado, Jr., Major Gen. Ericksson Gloria, Brig. Gen. Arnold Fernandez, Col. Taharudin Piang Am­pa­tuan, Col. Dennis Ma­calintal at Senate Sec­retary Myra Marie Vil­­larica.

UNTV CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with