Nailusot ni Christine Soyud ng Adamson ang kanyang spike laban kay Celine Domingo ng FEU.
PM photo ni Joven Cagande
Lady Eagles sinolo ang liderato
Francisco Cagape (Pang-masa) - March 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na pinatagal ng Ateneo Lady Eagles ang laro matapos pataubin ang University of the Philippines Lady Maroons, 25-21, 25-15, 28-26, at makuha ang so­long liderato sa Season 81 UAAP women’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Bumida sina Maddie Madayag, Kat Tolentino, Bea De Leon, Ponggay Gaston  at setter Deanna Wong para masungkit ng Ateneo ang ikaapat na sunod na panalo.

Nagtala si  Madayag ng 14 points kabilang ang walong atake at anim na blocks, habang si Tolentino ay nagdagdag ng 12 markers mula sa 10 attacks at 14 digs para sa La­dy Eagles.

Nagpakatatag naman ang Far Eastern University La­dy Tamaraws sa fifth set upang malusutan ang minamalas na Adamson Lady Falcons, 25-18, 17-25, 25-14, 22-25, 15-8, at masungkit ang ikat­long sunod na panalo.

Nagtala si Ria Duremdes ng 9 excel­lent re­­ceptions at 44 ex­cellent digs, habang si Heather Guino-o ay umani ng 20 points kabilang ang 17 atake at tatlong aces bukod sa 13 digs at 10 ex­cellent sets  upang mako­po ng Lady Tamaraws ang ikaapat na panalo sa anim na laro.

Nagdagdag din ng 17 points si Lycha Ebon at 14 naman mula kay Celine Domingo para mu­ling umangat ang FEU sa three-way tie sa ikatlong puwesto kasosyo ang UST Tigresses at DLSU La­dy Spikers.

Sa men’s division, ti­nalo ng FEU Tamaraws ang Adamson Soaring Fal­cons, 25-14, 25-23, 25-23, at giniba ng Ate­neo Blue Eagles ang UP Fighting Maroons, 25-18, 23-25, 25-22, 25-13.

 

LADY EAGLES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with